CHAPTER 2

15 2 0
                                    

Sobra akong nangatal sa takot. Maging ang tuhod ko rin ay ramdam ko na ang pangangatog dahilan na rin sa bigla masama ng panahon na sinabayan ng ihip ng hangin.

May bagyo  ba ngayon?

Nagplano na akong baba sa kabilang kanto kahit na alam kong malayo pa iyon sa amin. Grabe na kasi ang tingin nila sa akin, masyadong malagkit. Para silang mga leon na muling nakakita ng isang masarap na hapunan nila. Napapagitnaan pa naman ako ng dalawang lalaki. Kaya naman, todo kipot ako ng aking upo dahil sa pencil cut ang palda ko.

“Manong par—”

“Pasensya na, miss beautiful. Dito ba sadya ang baba mo? Ihahatid ka na namin, mukhang madilim pa papasok sa inyo,” anang driver na ikinapanindig ng balahibo ko sa batok.

Sabay-sabay namang nagtawanan ang mga kasamang lalaki sa loob. Ako naman ay napa-lunok laway na lamang dahil sa kawalan ng gagawin.

Sh*t. Ano ka ba naman, Patt?! Napaka-tanga mo talaga kahit kelan. Napapikit na lang ako at napakagat ng labi.

Ilang sandali akong nanatiling nakaganoon dahil ramdam ko pa rin ang kanilang malalagkit na paninitig.

Napamulat na lang ako nang biglang nagka-gulo ang iba pang pasahero at panay daing nila ang nadidinig ko.

Isang lalaking naka-suot ng itim na jacket na may kahabaan ang buhok. Sa kahabaan noon ay natatangkpan nito ang kaniyang mga mata. Gustuhin ko mang makita ang mga iyon, hindi nakatulong ang kulimlim na ilaw sa loob ng jeep.

Sh*t, why do I have an urge of seeing his eyes? Really?! At this moment?!

Tumabi ang jeep at sandali kaming tumigil. Lalabas na sana ako nang makatigil ito, ngunit isang malaking kamay ang dumaklot sa kwelyo ng aking cardigan kaya muli akong napa-upo.

“Sa tingin mo, makaka-alis ka rito sa loob ng jeep na ‘to na walang nakaka-tikim sa ‘yo?” May pagka-manyak na bulong nito sa aking may tainga.

Agad na kinain ng kaba ang aking dibdib. Tila natuyo na lahat ng laway ko sa lalamunan, pati ang katawan ko ay bigla na lang nanigas nang ipatong ng lalaking brusko sa aking hita ang kanyang kamay. Bilang natural na reaksyon ko, agad ko itong iniiwas na ipinilit na ibaba ang aking palda na kahit anong gawin ay exposed pa rin ang tuhod ko.

Ama, bahala ka na po. Ayaw ko pong mamatay sa ganitong paraan.

Hindi ko alam kung segundo ba o minuto ang inabot ko sa pagdadasal ko sa aking isip dahil nang buksan kong muli ang aking mata, para na silang natutuyong bangkay.

Tanging ang lalaki na lamang na naka-hoodie ang natira at ako sa loob ng jeep. Nanatili akong hindi makagalaw dahil sa pinaghalong kaba at takot, taging ang malakas na tikatik ng ulan sa bubungan ng jeep ang napapakiggan.

Bakit parang ang malas ko ata ngayong araw?

Nanatili lang akong tahimik at pinagmamasdan ang likuran ng misteryosong lalaki.

“Your safe now, Pattrisia,” sabi niya.

My body immediately tensed up. But my knees are traitor that weakened my whole.

Agad akong napaupong muli sa aking inupuang sahig ng jeep dahil napadausdos na ako roon nang magdasal ako kanina sa isip ko.

Madali akong nilapitan ng lalaki nang makita niyang napasadlak akong muli. Tinulungan niya akong makaupo sa upuan ng jeep.

Nakita kong bigla niyang hinubad ang suot niyang hoodie, and that scene became a slow-motion in my eyes.

His chin, his nose, his… scar? On his face. And… the enchanting orbs that glistened suddenly in the little dim light of the jeepney.

Tila ba biglang nagkabuhay ang aking mga kamay at kusa itong dumapo sa mukha niya at hindi ko namalayang sinusundan ko na ang peklat niya sa mukha. Napatigil ang pagdako ng palad ko sa iba pang parte noon nang pigilin niya ang kamay ko.

“Don’t touch it, Pattrisia.” May banta sa tono niya ngunit hindi ako nakaramdam ng pangamba roon.

Namangha lang lalo ako sa paraan niya ng pagkakasabi noon. Isang mababa at sa napaka-baritonong paraan niya iyon sinabi.

“Ca-can you… say my name again?”

Ngunit hindi siya nagsalitang muli. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang kinakabisa niya ang bawat sulok ng aking mukha.

Hindi ko alam, pero sa mga sandaling iyon, nakatitig lang din ako sa kanya. Gustong-gusto kong tingnan ang mga mata niya, ngunit parang sinasadya niyang iiwas iyon sa 'kin at pilit na hindi sinasalubong ang mga titig ko sa kanya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon, hindi ko alam kung gaano katagal. Ngunit isa ang napansin ko, umiiyak ako?

Sa sandaling tumulong biglang muli ang luha ko ay ang lalong pag-iwas niya ng tingin sa akin at tumayo at umalis siya sa aking harapan na hindi na lumingon man lamang.

I cried, all night long kahit na ligtas na ako at naka-uwi na sa amin ng hindi ko namamalayan.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng parang may humihiwa sa puso ko at parang pinipiga iyon.

Matagal ko na nang huli itong naramdaman, dahil iyon sa pagkakalaglag ko sa swing na malakas na itinulak ni Alicia noong mga bata pa kami.

Sobra noong nag-alala sina mama, si Alicia naman, iyak lang ng iyak, hindi raw nila mapatahan hanggang sa hindi ako noon nagising.

Napaisip naman akong bigla, nagkaroon ba noon ng komplikasyon ang pagkakabagsak ko? Napaka imposible naman sigurong mangyari n’on. Napaka-lusog ko kayang bata.

Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Kumain lang ako ng hapunan at natulog na pagkatapos. Nawala na sa isip kong mag-review. Itinulog ko na lang ang biglang pagsakit ng aking dibdib.

Kinabukasan, ayos na uli ang pakiramdam ko. Hindi ko na nabanggit kayna mama ang nangyari kagabi, baka hindi na nila ako payagang mag-commute, baka sabihin niya iyon kay papa, magpasugo agad iyon ng chaperone rito sa school.

Oo, mayaman rin kami. Katulad ni Alicia ang buhay ko, but I really don’t want to live my fullest in luxury. As much as I can, I want to be on low-key. Mas maigi ng mahirap ang turing nila sa akin, basura at sabit lang kay Alicia. Kaysa naman, ipamukha ko sa buong scool na kaya kong ariin lahat ng nakikita nila.

THAT’S A BIG, N.O.

Being this, not so poor thing of me, is the safest way to find the TRUE friends.

Author's Note: Please, don't forget to drop your comments and please, do vote to this story [Taming His Demon].

Happy Reading, IVYang's!☘

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon