CHAPTER 12

19 1 0
                                        

CHAPTER 12: Taming His Demon
[His Forlorn Love]

"Prinsipe Encio, ikaw na mula sa kaharian ng Magadha? Anong karapatan mong tumuntong sa aking kaharian?"

"Nais ko po sanang hingin ang kamay ng iyong anak na si Prinsesa Risia."

Napakapit ako sa pader ng bigla na namang may umiging na boses sa aking pandinig. This time, ibang boses naman ito. Ang unang nagsalita, hindi ito pamilyar sa akin. Ngunit ang pangalawa ay boses ng lalaking katulad kong manalita. Halos magkapareho kami ng boses.

Ipinilig ko ang aking ulo upang kahit papaano ay mawaksi iyon.

"Isa kang hangal kung gayon? Nalalaman mo ba ang hinihingi mo mahal na Prinsipe ng Magadha?"

Hindi ito umimik at tila nanliit sa sinabi sa kanya ng hari.

"Huwag kang hangal. Hindi mo kailan man makukuha ang aking basbas para makuha ang kamay ng aking anak." Tumalikod ito sa kanya. "Umalis ka na, bago pa kita ipadampot sa aking mga kawal at ipatapon Zuur." (ang Zuur ay isang madillim na kagubatan kung saan tapunan iti ng maga taong nagkaksala sa kaharian ng Phrygia. Naniniwala sila na kapag ang taong itinapon doon sa gabi, tuluyan na itong maglalaho sa kinaumagahan at hindi na ito muling makikita pa)

Natigilan ito sa tinuran ng hari. Alam ng lahat na ang Zuur ang pinaka kinatatakutan lahat nga tao sa iba't-ibang kaharian dahil dito naninirahan ang mga elementong hindi ka hahayaang mabuhay kapag nakita ka nila. Makatakas ka man sa kanila, dala mo na ang sumpa ng lugar na mamatay ka kapag nakatapak ka sa kanilang lupain.

"Mawalang galang na, mahal na hari. Ngunit, totoo pong mahal ko ang inyong anak. Hindi ako tulad ng ini-isip ninyo." Agad naman siyang binalingan ng hari at masama itong tiningnan.

"Kailanman ay hindi magbabago ang tingin ko sa mga taga-Magadha, munting paslit na Prinsipe. Sila...kayo, kayo ang pumatay sa mga magulang ko!" mariin nitong sabi habang hindi nawala ang pagtatangis nito sa bawat sambit ng salita. "Umalis ka na. Baka kung ano pa ang magawa ko."

"Prudens. Prudens." Tawag niya sa akin habang inaalog pa ang aking balikat.

Halos magitla naman ako nang makita kong nakatayo ito sa aking harapan. Bigla rin akong natigilan dahil sa mga mata n'ya. Ang mga mata n'ya... katulad na katulad ng mata nung....

"Prudens." Isang sampal niya ang nakapag pabalik sa aking katinuan. Hindi naman ito masakit, sakto lang.

"Aray! Ano ba?"

"Para kang tanga. Bakit ka nakapikit d'yan sa harap ng artwork ko? Dinadasalan?" Agad naman akong napatingin sa sinasabi niyang artwork.

Iyon ay ang portrait ng babaeng nakaupo sa malaking bato habang hawak-hawak ang puting bulaklak ng carnation.

"Gagi, ba't ko dadasalan 'yan? Sira ba ulo mo?"

"Aba?! At ako pa talaga ang sira ang ulo? Eh, ikaw 'tong nakapikit d'yan. Muntik ko ng isipin na ilaglag ka sa hagdan." Pagtataray niya sa akin na nagawa pang mag cross-arm. "Ang tagal ko ng nakatindig dito sa tabi mo, hindi mo pa rin ako napansin?"

"Aba malay ko."

"Hoy! Kayong dalawa, bumaba na nga kayo rito. Prudencio, kumain ka na rito. Alas nuebe na pala."

Lumipas ang oras na iyon na parang welcome na welcome ako sa bahay nila kahit na ngayon pa lang ako nakapunta rito.

"Ano nga pa lang sasabihin mo sa aki't talagang sumadya ka pa rito?" Pagbubukas muli ng usapan ni Collen.

Katatapos lang naming kumain ng agahan. Napakain na rin ako ng kanin kahit mamaya pa talaga akong tanghalian kakain nun. Ang bango kasi nung adobo ni tita.

"Ha? Ah.. 'yun ba? Ano lang sa school ko na lang pala sasabihin. Nakalimutan ko na eh." Sabay kamot ko sa ulo.

"Ginaga gago mo ba ako?" Parang hindi na siya bigla ang Collen na nakikita ko sa school.

Hindi pala siya tahimik sa bahay. Sa totoo lang, mas gusto kong maingay s'ya.

COLLEN
Ba't sa dinami-raming tao sa mundo, may mga taong hindi natin alam na pwede palang maging parte ng buhay natin. Hindi natin alam, na kahit sa sandaling kasama natin sila, there is something empty space in your heart once they left you.

Hindi mo alam na pwede ka rin masaktan ng taong iyon kahit sa sandaling panahon mo lang siya o sila nakasama.

But the thing is... pinaalam mo ba sa kanila? O naduduwag ka sa pwedeng kalabasan kapag sinabi mo sa kanila ang mga bagay na iyon?

Ang babaw ko ngayon, sa totoo lang. Hindi ko alam na pwede kaming maging close ni Prudens sa sandaling panahon. O mas  maganda sigurong sabihin ko na, sandaling oras.

It's just a mere of an hour that he stayed in our house. Para raw kuno may sasabihin sa 'kin na kinalauna'y nalimutan na raw n'ya.

Hindi ko alam kung naa-amaze ako kapag nakikita siyang tumatawa. Siguro, hindi ko iyon laging nakikita na kanyang ginagawa kaya ganun. O 'di naman kaya, hindi ko lang talaga ito napapansin.

Pero sa kabila ng tuwang nararamdaman ko, laging may takot na nakaabang sa akin sa dulo. Gusto ko man itong iwasan, hindi ko naman alam ang daan kung paano ito hindi masasalubong. Natatakot akong maligaw. Gumawa ng panibagong daan upang makatakas. Natatakot ako kasi, ayokong mag isang hanapin ang daan na iyon.

It's just an hour, at pinatunayan sa akin ni Prudens na may iba siyang katangiang hindi ipinapakita sa iba. At tiyak kong maging si Alicia ay mabibigla kung makita niyang may ganito palang side si Prudenciong kilala niya.

Ang alam kasi namin, madali siyang mapikon, mainis at higit sa lahat, walang pakialam sa mundo.

Pero 'eto siya ngayon, para siyang batang tuwang-tuwa sa panonood ng Mr. Bean at Spongebob sa TV namin. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon. Hindi ko naman maiwasang hindi ma distract sa kaniya kapag tumatawa siya.

I'm currently doing my new artwork, and he is f*ng distracting me. Naiinis ako dahil sa bawat tawa niya, parang kinikiliti rin ako, at nagiging parang magandang musika ito sa aking pandinig.

Ba't ngayon ako nababaliw sa kaniya? Help me, may ginawa ba akong mali sa past life ko para ganito ang maramdaman ko sa kanya?

Pinilit kong mag-focus sa ginagawa ko. Kailangan ko kasi itong maipasa sa lunes kay Sir Quing, HOPE II teacher namin. Mabait naman siya, kaso ayoko namang abusuhin iyon kahit na alam kong kahit uto-uto ang ilang mga kaklase ko... Ano raw?

Basta! Kailangan kong matapos ito bago pa maghapon.

Ramdam ko namang tumahimik na si Prudens sa harap ng TV.

"Huh? Mabuti at napagod ka rin katatawa mo," bulong ko nang makita itong nakatulog na pala.

Nasa tiyan pa nito ang remote habang padausdos ang pagkaka-upo niya sa sofa. Sandali akong lumapit sa kaniyang pwesto at inayos ang kaniyang pagka kahiga. 

Pahirap sa sarili.

Pagkatapos, bumalik na uli ako sa aking ginagawa at ipinagpatuloy ang portrait kong ginagawa.

Tahimik kong lang itong ginawa, hanggang sa hindi ko namalayang natapos ko na pala ito. It's a portrait of the man I saw in my dreams. Hindi ko maiwasang titigan ito ng ilang sandali at halos magulat ako nang mapagtanto ang kamukha nito.

Nailaglag ko ang paint brush ko, bigla ring nanginig ang aking mga kamay at bumalik na naman ang kirot ko sa aking dibdib na ikina panikip na naman ng aking paghinga.

I just painted him.

Did I just paint him?

No. That can't be. Siyang-siya ito. Ang pagkakaiba nga lang ay nakasuot ito ng isang culture dress. He was not smiling nor any emotion wear on his face. It's just  a face of?

Forlorn love?

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon