CHAPTER 10

13 1 0
                                        

CHAPTER 10: Taming His Demon
[Lara]

Dumiretso na agad ako sa aking kwarto pagkahatid sa akin ni Prudens. Parang biglang naubos lahat ng enerhiya ko ngayong araw kahit wala akong tandang ginawa ko.

Tanging ang ginawa ko lamang ay pumunta doon sa carnation garden ni Lara. Ano bang meron doon? At bakit ako napunta sa pool?

My head is a mess now. Halos sumakit din ang ulo ko sa kaiisip kaya itinulog ko na lamang ito.

“Encio, akala ko, hindi ka na babalik.” Sabik na sabik na salubong ni Risia kay Encio na agad niyang ginawaran ng mainit na yakap.

Ngunit tila iba ang pakikitungo nito ngayon kumpara sa mga nauna nilang pagkikita. Hindi nito sinuklian ang yakap ni Risia, wala rin itong kibo ngayon, at wala rin ito ngayong dalang carnation flower na palagi niyang dinadala sa dalaga.

“M-may… problema ba, Encio?” May pag-aalalang tanong nito sa binata habang masuyo niyang idinampi ang kanyang kamay sa mukha ni Encio.

Ngunit agad naman itong tinabig ni Prinsipe Encio na ikinatigil ni Prinsesa Risia.

“Umalis ka na, Risia. Hindi na kita mahal.” Parang isang hangin lamang na sabi nito kay Risia at walang paki alam kung masasaktan ba ito.

“A-ano b’ang sinasabi mo? H-hindi kita m-maintindihan.”

“Hindi na kita mahal. Umalis ka na.” Pag-uulit muli nito na parang wala lang sa kaniya.

Gumuhit ang sakit at pagkabigla sa mukha ni Prinsesa Risia. Maging ang kanyang alilang si Laura ay nabigla sa narinig mula kay Prinsipe Encio.

“E-encio, h-hindi kita maintindihan.”

“Pwes, ako na lang ang aalis, kung hindi mo maintindihan.” Walang pagdadalawang isip itong umalis sa harapan ng dalaga at walang salita pang iniwan.

“Anak, anak...ano ba? Gumising ka.” Mabigat ang aking ulo ng bumangon ako. Napapahid rin ako sa gilid ng aking mata dahil ramdam kong  basa-basa ito. “Ano ba, anak. Ayos ka lang?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay mama. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ayos lang ba ako. Ngunit alam ko sa sarili kong hindi, may bigat na parang nakadagan sa aking dibdib at para na naman itong hinihiwa at pini pira-piraso.

“Ma..ang sakit.” Tangi kong nasambit kay mama habang bigla na namang rumagasa ang luha sa aking mata.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang akong ka-emosyonal ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing makikita ko ‘yung carnation flower, parang nalulungkot ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.

PRUDENCIO
Gusto kong ihampas ang sarili kong ulo sa pader dahil sa sobrang sakit nito. Parang binibiyak ng bawat salitang umuulit sa aking isip mula sa boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling mula sa aking ulo.

Ilang gamot  na rin ang ininom ko upang mawala ang sakit nito. Ngunit tila pinapalala lamang ng mga gamot ang sakit na aking nararamdaman.

Pumanhik ako sa aking silid, ngunit napukaw ng aking pansin ang pag-ilaw ng bulaklak sa painting na nakasabit sa pader papunta ng aming study room. Ngayon ko lamang ito nakitang nakasabit dito.

Bumili ba ng bagong painting si papa? O, si kuya?

May lalaking nakatalikod sa painting, habang sa likod ng lalaking ito, hawak niya ang isang piraso ng asul na bulaklak. Katulad ito ng mga bulaklak ni Lara sa likod ng lumang building sa school. Habang sa hindi kalayuan naman, may lalaking nakayuko sa harap ng isang magandang babae, may iniaabot naman itong kumpol na pulang rosas. Gumuhit ang ngiti sa labi ng babae, kapwa rin nakataas ang buto ng pisngi nito ngunit tila ang mga mata nito ay hindi tugma sa pangyayari. Bakas ang lungkot doon.

Nilapitan ko ng mas malapit ang painting at hinipo ang larawan ng babae at halos parang nagising ang aking diwang gising naman nang biglang may gumuhit sa aking palad at agad doong tumulo ang dugo.

“F*” Halos manginig ako sa hindi ko malamang dahilan. Bigla rin akong makaramdam ng lamig sa buo kong katawan. Bigla ring bumigat ang talukap ng aking mata hanggang sa tuluyan na itong pumikit.

Ngunit bago pa man ako tuluyang panawan ng ulirat, napansin kong nalaglag ang isang talulot ng bulaklak mula sa painting. At nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking dibdib dahil doon.

COLLEN
Maaga akong pumasok kinabukasan. Ngunit ramdam ko pa rin na parang wala ako sa sarili. Dahil nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harapan ng hardin ni Lara.

I need an explanation for this, Lara. Bakit lagi na lamang akong dinadala ng mga paa ko rito? It always enchanting me. Even in my dreams.

Alam kong ang nakita ko sa loob nito nang pumasok kami ni Encio, iyon din ang nakikita ko sa panaginip ko. Ano bang meron?

“Are you aware now?” tanong ng kung sino sa gilid ng halamanan. 

Hindi ko na napansing may tao pala dito  lalim ng pag-iisip ko.

“What do you mean?” tanong ko rin pabalik sa boses na nagtanong?

Lumabas ito at tumayo mula sa gilid ng halamanan at laking gulat ko nang makitang si Lara ito.

“L-lara. A-anong ibig m-mong sabihin?” Sa kabila ng biglaang pagkatakot kong naramdaman ukol sa kanya, hindi ko mapigilang maawa bigla sa kaniya.

Ang kanyang mga mata, halata mo ang pagod sa likod niyon dahil sa itim doong nakapalibot. Ang kaniyang labing halos matuyo na na para bagang ilang araw na siyang hindi umiinom ng tubig.

“L-lara, anong nangyari sa ‘yo? B-bakit ganiyan ang hitsura mo?” May pag-aalala kong tanong sa kaniya na agad kong nilapitan upang maalalayan ko siya.

“P-prinsesa Risia.”

“Lara, si Collen ako. Collen..Collen ang pangalan ko.” Pagtatama ko sa kanya.

At sa unang pagkakataon, hinihiling kong wala ng tumawag sa aking unang pangalan.

Bigla ko kasing naalala ang babaeng nasa aking panaginip. Malapit iyon sa pangalan kong Pattrisia. At hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong sinidlan ng takot ng napagtanto ang isang bagay.

“L-lara, anong ibig mong sabihin?”

“Prinsesa Risia, ang mga bulaklak. Si Prinsipe Encio, hindi totoong hindi ka niya mahal!” Biglang sigaw niya sa akin at halos mawalan siya ng bait sa kanyang mga sinasabi.

“Lara, huminahon ka, hindi kita maintindihan. Ano b’ang ibig mong sabihin?!” Sigaw ko rin naman sa kaniya kaya siya napatigil sa biglaan niyang pagwawala.

Tumingin siya sa akin, tingin na nakakatakot na ni minsan ay hindi ko nakita sa kanyang mga mata. Parang biglang marami itong ibig ipahiwatig. Lumapit ito sa aking harapan at bigla niyang kinapitan ang magkabila kong balikat na ikinagulat ko.

Madiin ang pagkaka-kapit niya sa akin doon kaya naramdaman ko ang biglaang pagbaon ng kaniyang matutulis ng kuko. Ngayon ko lang din napansing ang dumi dumi na ng suot niyang uniform at kaniyang mga kuko ay puro lupa na rin. Ang kaniyang buhok… huwag na nating pag-usapan.

“Ang hari ang may kasalanan,” saad niya sa mababa at malamig na boses na nagbigay kilabot sa akin. Lumapit pa io sa aking tenga at bumulong. “Kailangan mong sabihan si Prinsipe Encio, Prinsesa Risia. May masamang balak ang hari.”

At bigla na lamang itong tumakbo palayo sa akin at hindi na lumingon pa. Naiwan akong gulong-gulo at mas lalo pang napuno ng tanong ang utak ko dahil sa mga sinabi niya.

Now, this is a real sh*t. Am I solving a jigsaw puzzle?

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon