[The Truth And The Fate Consequence]
RISIA
"Aking kapatid, nais kong makita si Prudencio." Wala sa sarili kong anas sa kanya. Agad naman niya akong tinalikuran at bakas ko roon ang kaniyang pagtutol.
"Nahihibang ka na ba talaga, Risia?" sigaw niya na aking ikinagulat. Ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses.
Marahil ay hindi niya talaga nagustuhan ang aking sinabi.
"Alam mo ba kung paanong magalit si ama nang malaman niya na umalis ka ng iyong silid nang araw na iyon para lamang makipagkita sa hangal na lalaking iyon--"
"Hindi hangal si Encio, aking kapatid. Saan mo ba nakukuha ang mga bagay na iyan?"
Nag-iwas siya ng kanyang tingin at humalukipkip.
"Malamang ay hindi mo pa alam ang nangyari bago pa ang insidenteng nangyari sa inyong dalawa." Tiningnan ko naman siya ng naguguluhan.
"Pumunta siya rito bago ang araw na kayo'y nagkita. Pumunta siya sa amang hari upang hingin niya ang iyong kamay. At sinong taong nasa tamang kaisipan ang gagawa niyon sa kabila ng alam niya na magkaaway ang ating kaharian laban sa kanila? Sa tingin mo ba'y magandang ideya iyon, Risia? Sa tingin mo ba'y papayag roon ang ama?"
"Hindi iyon kahangalan, kapatid. Isa iyong katapangan--"
"Katapangan at kakapalan ng mukha, Risia. Higit sa lahat ng tao, bakit siya pa ang napili mo, Risia. Sa lahat ng lalaking inililinya sa iyo ng amang hari upang iyong pakasalan, bakit siya pa? Siya pa na taga- Magadha na mortal nating kalaban?!"
"Kapatid ko, hindi mo nalalaman ang iyong sinasabi. Hindi Magadha ang totoong kalaban ng ating kaharian."
"Anong ibig mong sabihin? Ganyan ba nilalason ng lalaking iyon ang isip mo? Para isipin mong hindi sila ang pumatay sa ating ina? Kaya ka ba niya kinukuha ang loob mo?"
"Hindi iyan totoo. Hindi mo alam ang totoo, kapatid! Hindi ang Magadha ang may kasalanan kung bakit namatay si ina."
"Pwes, ipaalam mo sa akin para ika'y aking lubos na maunawaan. Alam mong ayaw kong nag-aaway tayo ng ganito."
Huminga ako ng malalim. "Hindi Magadha ang totoo nating kalaban dito, aking kapatid, kundi ang taga-Colchis." Humarap siya sa akin ng ayos at halos hindi mawari ang kanyang emosyon sa kanyang mukha, ngunit nangingibabaw doon ang pagkalito sa aking sinabi.
Ngunit isang halakhak sa huli ang ating aking nakuha sa kanyang naguguluhang emosyon. "Risia, Risia. Nahihibang ka ng talaga sa lalaking iyon. Iyan ba ang isinasaksak niya sa iyong isipan?" May diin ang bawat niyang salita na wari'y batid doon na hindi talaga siya naniniwala sa aking tinuran at labag siya sa ideyang taga-Magadha ang nais.
"Alam ko na mahirap iyong paniwalaan, pero sa aking pagkawala ng ilang panahon, may mga araw akong parang akong naglakbay sa aking hinaharap..." dito ay nakuha ko ang kaniyang atensyon.
Humarap siya sa akin, at mas lalong bakas doon ang kaniyang pagkalito sa aking sinasabi.
Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita. "Alam kong hindi ito kapanipawala, at alam kong iisipin mong nawawala na talaga ako sa aking katinuan, ngunit alam ko sa sarili kong totoo ang lahat ng bagay at natuklasan, aking mahal na kapatid. Ang Colchis ang totoong may kagagawan ng lahat ng ito. Kung bakit may alitan ngayon sa pagitan ng Phrygia at Magadha. Alam kong hindi ka naniniwala dahil bukod sa alam mong matalik na kaibigan ni amang hari ang taga-Colchis, alam kong mahal mo rin ang kaisa-isa nilang anak na si Prinsipe Phrixus. Ngunit alam mo bang hindi siya tunay na anak ng hari doon?" Nanatili siyang hindi nagsasalita at nakakunot ang noo, naguguluhan sa aking sinasabi.
BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...
