CHAPTER 11

12 1 0
                                        

CHAPTER 11: Taming His Demon
[The Virgin Lips]

COLLEN
Gusto kong umiyak lang ng umiyak sa hindi ko malamang dahilan. Gusto ko lang umiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Mabuti na lang talaga at weekend ngayon, kasi kung hindi, isang isipin ko pa kung paano ako makakapag-focus sa klase para lamang makapakinig ng ayos sa mga teachers ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng aking luha nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa noon si Prudens.

Namumula ang ilalim ng kaniyang mga mata na tila galing rin sa pag-iyak. Ang kanyang buhok na hindi niya hinahayaang hindi ayos ang pagkakasuklay, ngayon ay tila ba hindi sila nagpangita nito. Ngunit bumagay naman ito sa kanya. Lalo na at hindi na naman niya suot ang kaniyang salamin na sagabal lang naman sa maganda niyang mga mata.

“P-Prudens, anong ginagaw--” Bigla na lamang niyang isinarado ang pinto ng aking kwarto at tila ba isang tigreng nakakita ng kanyang pakay na pumunta sa akin at agad na sinunggaban ang aking labi.

Halos manigas ako sa aking pagkaka-upo sa aking kama. At pigil din ang hininga kong nakatitig sa kanya dahil sa pagkakabigla sa kanyang ginawa.

Tumagal din iyon ng...ilan? One. Two. Three. Four. Five. S--

“Namu, Prudens.” Tangi kong nasambit ng lumubay na siya sa pagkakahalik sa akin.

Wala naman siyang sinabi at tumayo lamang sa harapan ko.

“‘Nak, kumain ka na rito, lalamig ang pagkain!” Sigaw ni mama mula sa labas.

“P-pa’no ka nakapasok, gago?” Takado kong tanong sa kanya.

“Did I need permission, first, before entering here?”

Halos manlaki ang mata ko dahil sa isinagot niya. Agad ko siyang binato ng aking unan sa inis at kahihiyan.

“Gago ka! Sira ba ulo mo at pumapasok ka lang basta sa kwarto ng may kwarto tapos--ugh! Lumabas ka nga! Baka hindi kita matansya.” Sigaw ko sa kanya na ikinalapad ng ngisi niya.

Nasisiraan na ba siya ng bait? Ano ba ‘tong pinapakita niya sa akin ngayon? Sobrang layo na niya bigla sa nakilala kong Prudencio-ng hindi naman talaga ako tinatapunan ng pansin. Prudencio-ng aklat at mga papel at mga quiz lang ang iniintindi. At si Alicia lamang ang kanyang inaasar. Ngayon ay halos dumikit na sa akin. ngayon, bigla na lang akong hinalikan ng walang dahilan.

Putcha! Baliw na ata s’ya? Nasobrahan na ata siya sa kaa-aral?

“Ano b’ang hangin ang nalanghap mo at ginawa mo ‘yun?”

“Ang alin?” Wari pa’y inosenteng nitong tanong at umupo pa sa kama ko.

“Aba, lintik na ‘to! Lumabas ka nga rito? Ma!!” Agad naman siyang humagalpak ng tawa na ikinatigil ko.

That laugh… I didn’t ever heard that before. Parang biglang nag-LSS sa tenga ko ang tawa niya kahit tumigil na ito.

Gago ka, Prudencio, anong ginagawa mo sa sistema ko? Bakit mo ako ngayon ginugulo?

PRUDENCIO
Hindi ko alam ang ginagawa ko. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harap ng bahay nina Collen at naghihintay na may magbukas ng gate para sa akin.

Sabog ang pakiramdam ko ngayon, sa totoo lang. Kahapon pa akong walang maayos na tulog dahil sa mga lumalabas sa panaginip ko.

Naka-ilang doorbell ako bago pa ako pinagbuksan ni tita.

“Oh? Prudencio, napadaan ka? May kailangan ka ba kay Collen? Bakit ganyan ang itsura mo?” Bungad sa akin ni tita pagkabukas niya ng gate.

“Ah, may sasabihin at itatanong lang po sana ako,” sagot ko naman. “Nandyan po ba s’ya?” Tanong ko pa.

“Ah..oo, nandito” Tumango-tango at agad na nagbigay daan sa akin paloob. “Pasok ka. Kaso, hindi ko alam kung nakabangon na ang babaeng 'yon, weekend ngayon. Baka nagpuyat 'yun kagabi.”

“Ah, ganun po ba? Hehe, sige po. Hihintayin ko na lang.” Ngumiti naman sa akin si tita at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

Ngayon ko pa lang mapapasok ang bahay nila. Madalas kasi, sa bahay namin kami gumagawa ng mga projects at assignments, pagsala, kayna Alicia. Never pa kaming gumawa rito.

“Maupo ka muna riyan at magha handa lang ako ng almusal. Nakapag-almusal ka na ba?”

“Ah, opo. Nagkape na po ako.”

“Hindi, ibig kong sabihin. Hard meals?”

“Uhm, hindi po ako kumakain tuwing umaga, eh.”

“Ah, ganoon ba? Sige, kung makaramdam ka ng gutom, may tinapay naman dito. Kumuha ka na lang. O kung gusto mo mag tingin-tingin ka muna r'yan sa mga artworks ni Collen.” Napatango naman ako kahit hindi niya iyon nakikita.

“Sige po.”

Nakailang gala ang aking mata sa kabuuan ng kanilang bahay. Hindi ito malaki tulad ng bahay namin. Parang kasing laki lang ito ng buong kusina namin kung tutuusin. Apartment-like lang itong sa kanila. Pero napakalinis, sa totoo lang. Tumayo ako upang makita ang ilang artworks daw ni Collen na nakasabit sa dingding nila at naka-frame.

Puro ito landscape, ang tanging naiiba ay ang portrait ng isang babaeng may hawak na bulaklak habang naka-upo sa isang bato na tila ba may hinihintay habang nakatingin sa malayo. Katabi ng portrait na ito ay ang isang landscape ng isang ancestral house balcony na tulad sa ibang bansa, habang may dalawang taong nasa loob na kapwa mga nakangiti. Babae at lalaki. Ang lalaki ay may dala-dalang bulaklak sa kaniyang likod na wari’y ibibigay sa babaeng tumatawa sa kanyang unahan.

Saglit ko pa itong pinagmasdan. Ilang sandali ri’y inilipat ko na ang aking tingin. I think those paintings have something to do with her. It’s the same as what I saw in my dreams.

Pumunta ako sa amy kusina at nagpaalam kay ita na gigisingin ko na si Collen kung ayos lang. Pumayag naman ito kaya agd akong pumunta sa itinuro niyang kwarto.

“Do you think I break in? May hiya naman ako kahit papano ano. Tsaka babae ka, may respeto ako.”

“At sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yang respeto ha? Pagkatapos mo akong halikan ng biglaan?!” Nangi-gigil pa rin nitong saad na wari’y asar na asar sa ginawa ko.

Honestly, hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ‘yon. Parang bigla na lang kasing may nagtulak sa akin na gawin iyon. At lately, lagi ko iyong napapansin na parang may nag didikta sa akin kung anong dapat kong  gawin.

Gusto kong matakot, ngunit sa tuwing nakikita ko si Collen, nagkakaroon agad ako ng lakas ng loob. Katulad na lamang ng pagsagip ko sa kaniya sa pool ng school.

I never knew that I was capable of swimming. Never akong lumangoy kahit sa pool namin sa bahay.

“Bakit? Ayaw mo ba ng biglaan?” Pilyo kong tanong kanya na ikinapula agad ng pisngi niya.

Putcha! Ano b’ang lumalabas sa bibig ko ngayon? I feel like, I’m not in myself right now

“Gago, lumabas ka na nga roon. Baka kung anong isipin ni mama at pumunta ka sa kwarto ko.”

“Alam ni tita. Pinapagising ka pa nga niya sa ‘kin.”

“What?! Ma!!” Muli na naman nitong sigaw.

“Hay naku, Collen. Bumababa ka na rito. Tanghali na, nandyan ka pa rin sa higaan mo. Mahiya ka naman kay Prudencio at pinuntahan ka na r’yan.”

Wala na naman itong nagawa nang marinig ang sinabi ni tita. Lumabas na rin agad ako dahil alam kong magaayos pa s’ya.

I felt light when I got out of her room. There something tickles me inside and something is celebrating inside me. Dang, it’s my first time kissing a girl. For Pete’s sake!

Hindi na virgin ang labi ko.

“Prinsipe Encio, ikaw na mula sa kaharian ng Magadha? Anong karapatan mong tumuntong sa aking kaharian?”

“Nais ko po sanang hingin ang kamay ng iyong anak na si Prinsesa Risia.”

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon