CHAPTER 7

11 1 0
                                        

Chapter 7: Taming His Demon
[In the Garden of Carnation]

PRUDENCIO

My heartbeat isn’t familiar but my feelings are. Her presence has become a big deal to me now. I can’t escape admiring her eyes glistened by the beam of sunlight. The beauty of the carnation flower on our side added to the tickle feeling in my heart. She has this beauty, I can’t explain.

Am I crazy now? Why am I thinking that this is so familiar? Parang may nagsasabi sa aiin na nangyari na ang mga ito. Is it, deja vu?

Nah...I really don’t believe that! But why?!

"Gagi, Prudencio..ibaba mo na ako."

Napabalik ako sa reyalidad sa kanyang tinuran. Agad akong nalinis ng lalamunan at tumingin sa malayo.

“Bakit ba nakapa lampa mo?” Iwas kahihiyan ko na lang sabi.

“Ako, lampa? Sipain kaya kita r’yan?! Kung ‘di mo ba naman ako ginitla, ‘disin ‘di ako nahulog!”

“Hoy, nasalo kita ha. Hindi ka nahulog.”

“Huh? Sira-ulo ka talaga. Tingnan mo nga ‘yang bangas mo r’yan sa mukha mo! Ano bang kinain mo at nakipagbasag-ulo ka kay Benhart agang-aga?” 

Concern ba o galit?

“Tss..bakit? Concern ka?” Panunuya ko sa kanya.

“Gagi, malamang. Pati kaya si Alicia. Tsaka...haler? We’re friends, bawal maging concern?”

“Bawal.” Agad kong sabi. “Baka iba ang isipin ko n’yan.” Nangunot naman ang noo n’ya at agad na lumapit sa akin ng sobrang lapit. Halos manlaki naman ang mata ko sa pagkabigla.

Sinipat niya ang aking noo at pinakiramdaman iyon. “Kinumbulsyon ka ba kagabi at ganyan ang mga sinasabi mo?” Bigla namang nang-init ang pisngi ko at agad na tinabig ang kamay n’ya.

“Lol, bumalik ka na nga do’n sa loob, baka nandun na si Ma’am Sungit.”

“Bakit? Hindi ka pa sasabay?” Umiling naman ako.

“Magdi-ditch ako.” Agad naman niya akong binatukan na hindi ko inaasahan.

“Gagi, at kelan ka pa natutong mag-ditch?”

“Aba, sinong magdi-ditch?” Biglang litaw ni Alicia.

“Wala, sinong may sabing may magdi-ditch? Ikaw, Patt? Grabe ha..nasa vocabulary mo na ang ditch?”

Hindi naman ito nakapagsalita at parang biglang natigilan.

“Luh? Napano ka?” Tanong ni ALicia na inalog pa ang balikat nito.

“W-what did you just say?” Natutulalang sabi nito sa akin.

“Ang alin?”

“Y-you called me, Patt...hindi ako bingi.” Agad naman akong nag-iwas ng tingin. “Tamaang narinig ko, ‘di ba Kulot? narinig mo, tinawag niya akong Patt.”

“Luh? Gutom ka ba? ba’t naman kita tatawagin dun? Ang bantot kaya.”

Pagkasabi ko noon, bigla na lamang niya kaming nilayasan ni Alicia. Nagkatinginan naman kami at parehas na nagkibit balikat.

But I can't deny. I called her 'Patt'. Kung tutuusin, mas gusto ko siyang tawaging Patt, o Pattrisia. Pero dahil kinasanayan na ng maraming 'Collen' ang tawag sa kanya, ganun na rin ang tawag ko sa kanya.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon