Prologue

313 15 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ibinaba ko ang bag sa couch habang pinakikinggan ang ingay na naririnig mula sa kuwarto namin ni Enzo. Nangilid ang mga luha ko nang mapagtanto na tinotoo niya nga . . . aalis na siya. Iiwan na niya ako.

Hindi ko pa rin maisip kung saan kami nagkamali.

Mabagal akong naglakad papalapit sa kuwarto namin. Dahil sa nakabukas na pinto, nakita ko siya na naglalagay ng mga damit sa maleta niya, maging ang ibang gamit niya.

"Enzo . . ."

Tumigil siya sa ginagawa bago lumingon sa akin. Malungkot siyang ngumiti bago lumapit sa akin. "Ruth, you shouldn't have come home tonight."

Umiling ako nang paulit-ulit kasabay ng tuluyang pag-agos ng mga luha ko. "Why? What did I do wrong?"

He sighed as he held both of my shoulders, looking straight at my eyes. "Wala. It's just that . . . this isn't working anymore. Ruth, we're not happy anymore. You know that."

I sobbed. "Hindi na ba maaayos? Bakit kailangang maghiwalay kaagad? Enzo, we've been together for more than six years. I can't lose you just like that. It's like . . . throwing away those years in my life that I am with you." Hinawakan ko ang kamay niya. "Enzo, please. Isa pa. Isang chance pa. Let's try again, please. Mahal kita."

He sighed, looking down on the floor. "Ruth, I still love you too." He looked at me again. "But what's the point of staying here with you kung hindi na tayo masaya?"

I cried louder as I looked down. "Saan ba ako nagkamali? May iba ka na ba?"

He sighed. "Ruth, wala. You know that. I never had someone else in those six years. Kahit ngayon, wala."

"Then why are you leaving me? Why are you breaking up with me?!"

"Everything has changed, Ruth. We've been trying to fight for this relationship for a year already but the sparks are all gone. I . . . I still love you but I don't feel the same way."

"But I do!" I cried. "Walang nagbago sa pagmamahal ko sa 'yo, Enzo. Don't leave me. Let's try again, please . . ."

His silence always answers my pleas.

His silence always hurt me the worst way, because I know that it answers the way that I did not want.

"Enzo, please. One last chance. Let's try again," I begged, crying.

Bahagya niyang iniangat ang paningin sa akin bago ngumiti nang maliit. Ilang sandali pa, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin, dahilan para mapapikit ako, hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya sa akin.

The way he kissed me always sends me to paradise, and I couldn't understand how he lost interest in our relationship. I will never understand how he can break-up with me just like that, when we have been together since we were in college.

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon