Chapter 03

130 12 1
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Hinila ko ang luggage ko palabas ng Tagbilaran airport at hinanap ang van ng Bluewater Panglao Resort kung saan ako naka-check in for three days. I already found an apartment where I'm going to stay for a month here but I need to stay in a hotel para may mag-accommodate sa akin dito on my first day.

Nang makita ko na ang sasakyan, lumapit ako sa driver. Kinuha niya sa akin ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng sasakyan, bago ako sumakay sa loob. As we wait for other passengers, ipinikit ko ang mga mata ko para magpahinga.

I couldn't sleep since the night Enzo told me that he won't come back to me.

I gulped as I felt the lumps that were forming on my throat. My tears are already on the verge of falling when I heard the driver talk.

"Aalis na ho tayo, kumpleto na po ba?"

The people inside the van answered yes in unison. Umayos na ako ng upo at isinuot ang sunglass ko. Ipinatong ko ang ulo sa bintana tsaka ipinikit ang mga mata.

I want to sleep. I've been awake for more than 48 hours already. Why can't I sleep? Imposibleng excited ako sa Bohol trip na 'to dahil muntik ko na ngang i-cancel ang lahat lahat ng ni-book ko matapos kong makausap si Enzo. If Mama didn't persuade me to go, baka nasa Manila pa rin ako ngayon at umiiyak sa kuwarto.

In less than an hour, nakarating kami sa Panglao. Nakita ko na rin ang malaking pangalan ng Bluewater Resort hanggang sa makapasok na nga kami sa loob. The van stopped and we're ready to go to our designated rooms. The porter helped me with my luggage until we arrived in my room.

As soon as I entered the sliding door, doon ko lang naramdaman yung pagod sa byahe pati ang kakulangan sa pagtulog. I was amazed with how the bed is—like—floating dahil walang paa ang mga papag. Ang galing lang ng pagkakagawa.

Naupo ako sa gilid ng kama at marahang inihiga ang katawan. I closed my eyes as I heaved a deep sigh.

Ngayon pa lang yata ako makakatulog ulit.

***

Gabi na nang magising ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng tiyan ko dahil sa gutom kaya naman nagpunta na ako sa beachside restaurant sa labas. Nagpahatid ako sa van ng resort kahit p'wede namang mag-tricycle. It's just that, it's already 7:40 PM. Hindi naman ako tagarito kaya hindi na siguro maaalis sa akin ang takot.

Nang makarating sa mga restaurant, naghanap na ako ng p'wedeng kainan na hindi mas'yadong maraming tao. Sobrang daming turista—halo-halo rin ang mga lahi ng tao rito. Ang dami kong nakitang Americans at Chinese. Feeling ko nga rin, may mga Korean. I just can't seem to differentiate them with Chinese without checking them out better.

Nang makahanap, I ordered a buttered shrimp for my meal. Hindi ako maganang kumain the past days but the smell of the place is making me hungry. What I like about the restaurants here is that you know that the seafood that they're serving is fresh. Ako pa nga ang namili ng mga shrimp na ipinaluto ko.

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon