Ruth Summer, who was left by Enzo, decided to leave everything behind in Manila and went to Bohol for thirty days to take a break. Then she met Grayson who captured beautiful photos of her-including her heart.
***
Ruth Summer Rosales' life crumbled...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maliit na bangka lang ang sinakyan namin papunta sa lugar kung saan kami mag-snorkeling. Apat lang kami sa isang bangka: ako, si Grayson at ang dalawang boatmen. May ilang bangka rin ang nakasunod sa amin na mag-i-snorkeling din. I looked away when Grayson removed his shirt in front of me.
Damn it, Ruth! Ano ba?
Isinuot na namin ni Grayson ang snorkeling gear at ang fins. Nakinig lang kami sa mga do's and don'ts na sinasabi ng boatmen sa amin. On the other hand, Grayson doesn't seem to listen to what they are saying since this is his hometown, alam na niya ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pinanonood na lang niya ako ngayong isuot ang fins sa paa ko.
"Bawal na bawal pong hawakan ang mga isda, turtles, lalong-lalo na po ang coral reefs . . ."
Tumatango-tango ako sa mga paalala sa amin para malaman nilang nakikinig ako kahit na ang isang kasama ko ay sa akin nakatuon ang pansin. Ilang sandali pa, sinabihan na kami na p'wede nang mag-snorkel. Nauna silang bumaba sa amin ni Grayson.
"Are you ready?" he asked.
Tumango ako bilang tugon. Grayson jumped on the water first, wearing his snorkeling gear. Sa pagtalon niyang 'yon ay rinig na rinig mo ang lakas ng tunog ng pagbagsak niya sa tubig. Na-excite tuloy ako. Tumalon na rin ako sa dagat malapit sa kan'ya kasabay ng pagsigaw ko dahil sa lamig ng tubig. Narinig ko ang pagtawa niya nang dahil do'n.
Tinanggal niya panandalian ang gear sa bibig niya at nagsalita. "I know you can't swim well in the sea but I'm here, okay?" I nodded. "Don't let go of my hand until you can do it already on your own."
For a moment, nagkaroon ulit ng ibang ibig sabihin sa akin ang huli niyang sinabi pero pinagpaliban ko na lang dahil baka ako na lang itong kung ano-ano ang iniisip.
Nauna nang mag-swimming si Grayson sa akin at sumunod din ako kaagad dahil nga hawak niya ang kamay ko. I watched his bare back in front of me as he swam deeper and deeper, not letting go of my hand. Nakikita ko na ang mga isda na iisa lang ang itsura. Para silang damit na striped ang design. I also saw nemos! Ang daming nemo! This is not the first time I did this but It never ceases to amaze me how this world can be this beautiful!
Grayson faced me with his camera in front of his face. He's taking pictures of me underwater. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Hindi kaya siya nahihirapan?
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'yon o ngumiti siya sa akin bago tumalikod ulit at nagsimulang maglalangoy. Sumunod ako sa kan'ya at humawak na rin nang mahigpit sa kamay niya dahil palayo na kami nang palayo. Iba't ibang klase na ng isda ang nakikita ko. Iba't ibang kulay na rin ng coral reefs ang nakikita ko.
Napatigil ako sa paglangoy nang makakita ng mga pagong na lumalangoy malapit sa amin. Grayson stopped swimming and stayed beside me as I watched the turtles swim away from me.