Chapter 35

97 7 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I woke up a few hours later. I checked the time on my phone and saw that it's already lunchtime.

Wait, I thought I turned my phone off?

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at dumeretso sa ibaba para magluto sana since medyo maaga pa naman. I have time to cook Grayson and I's lunch. Kaso, pagkarating ko sa dining area, may pagkain nang nakahanda ro'n at may sticky note na nakadikit sa gilid nito.

I already ordered your lunch, no need to cook. I went to my parent's house for something. I'll be back later. Rest well, my Summer. I love you. -G

Napangiti na lang ako bago hinila ang isang upuan saka naupo roon. Binuksan ko ang mga tupperware na pinaglalagyan ng mga pagkain na in-order niya sa isang restaurant saka ito kinain. Sayang, wala akong kasabay. Ang sarap pa naman. I sighed.

Hindi na yata ako sanay nang hindi kasabay kumain si Grayson.

Nang matapos akong kumain, niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at tinapon ang mga pinaglagyan sa basurahan. Pagkatapos, nanood na muna ako ng kung anong p'wedeng mapanood sa Netflix ni Grayson habang naghihintay sa kan'ya.

Nakatapos na ako ng isang movie pero wala pa rin siya kaya naman nilinis ko na lang ang bahay niya. Hindi naman makalat dahil wala naman halos gamit sa loob. Sobrang minimalist lang. Hindi sobrang laki ng bahay pero spacious ito at maaliwalas kaya naman kahit na mainit ang panahon, hindi mo masiyadong madarama dahil maaliwalas sa loob.

Nawalis ko na yata lahat ng p'wedeng walisan, naayos ang mga dapat ayusin pero wala pa rin si Grayson. Gusto ko siyang i-text or tawagan pero natatakot naman akong hawakan ulit ang cellphone ko. Baka kapag in-on ko ang WiFi o ang sim card ko, may ma-receive na naman akong mga message mula sa Manila na siguradong hindi ko magugustuhan.

Napabuntonghininga ako nang maalala kung gaano kasakit ang mga salitang nakuha ko mula kay Enzo kaninang umaga. Pilit kong iniaalis sa isip ko ang lahat ng 'yon simula nang magising ulit ako kanina dahil gusto kong maging masaya ako habang nandito pa ako . . . kasi ayaw kong isipin ang mga problemang mayroon ako sa Manila dahil nandito naman ako ngayon sa Bohol.

Alam kong hindi na namin napag-uusapan pa ni Grayson ulit ang tungkol sa buhay ko sa Manila o sa pagbabalik ko ro'n pero kahit ito man lang . . . 'yung hindi pag-iisip ng mga bagay tungkol sa Manila . . . kahit ito lang, magawa ko para kay Grayson.

He has done so much for me while I was here. Ito lang yata ang kaya kong gawin para sa kan'ya sa ngayon.

5:30 p.m. na pero wala pa rin si Grayson kaya naman umakyat na lang ulit ako para maligo sa bathroom ng k'warto niya. Habang papunta ako ro'n, nadaanan ko ang guest room na kahit kailan, hindi ko pa nakita ang loob.

Dito raw ang k'warto ni Jenna noong dito pa siya nakatira. Ano kayang itsura ng loob?

I tried to open the door but it was locked. For some reason, I felt nervous. I wanted so badly to see what's inside. I want to see how he kept Jenna's room while she wasn't around. I want to know how she treated this room when she's staying here.

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon