Chapter 10

99 9 0
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

"Mag-dinner na tayo," I said as I stood up.

He smiled before he did the same. "Saan mo gustong kumain? May gusto ka bang kainin?"

Pinagpag ko ang puwitan ko habang sumasagot. "I want a crab or lobster."

"Okay, then. Let's go."

Nauna na siyang maglakad sa akin papunta sa restaurant kung saan niya ako dadalhin. Hindi pa naman ako gutom talaga. Hindi ko lang alam kung anong isasagot ko sa kan'ya. The air suddenly feel awkward so I had to break the ice to get the comfort back.

Sana bumalik na ang appetite ko.

Nang makapasok sa isang open restaurant, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa second floor. Naghanap siya ng bakanteng table. I wanted to poke him because we already walked past the vacant tables but he didn't seem to care about it. Parang may hinahanap pa siya, eh.

Hanggang sa huminto siya sa balcony. He talked to one of the—I think—crews na siyang naglinis ng isang table for two. Ilang sandali pa, lumingon sa akin si Gray at ngumiti bago hinila ang isang upuan.

"Upo ka na, wait na lang natin menu."

Tumango ako at naupo sa upuang inilaan niya para sa akin. Ilang sandali pa, naupo na rin siya sa harap ko at ngumiti sa akin.

"Masarap pumwesto rito. Mas masarap kumain kapag nasa maganda kang lugar."

Ngumiti ako at tumango sa kan'ya. Ilang sandali pa, dumating na ang waiter na may dalang menu. Grayson ordered us crabs and onion rings. Pagkatapos n'on, umalis na ang waiter para ihanda ang order namin.

"Kaya mo namang kumain ng crabs, 'di ba?" he asked.

I chuckled. "Hindi mas'yado talaga." I looked away. "Si Enzo kasi gumagawa palagi ng paraan para makakain ako nang madali kapag crabs."

I wasn't able to see his reaction because I suddenly felt awkward talking about Enzo. Baka isipin niya, bukambibig ko yung tao, eh wala na nga rito.

Kaya nga rin ako nagpunta ng Bohol para sana maka-move on kahit konti sa kan'ya pero heto ako . . . siya at siya pa rin ang iniisip.

Hindi na siya sumagot pa hanggang sa dumating ang mga in-order niyang pagkain para sa amin. I was staring at the huge crab in a bowl in front of me. Hindi ko talaga alam paano ito kainin pero sobrang sarap niya kasi kaya ito rin ang hiniling ko.

"I'll cook you lobster kapag nasa Tagbilaran na tayo," he said before taking one of the crabs to his plate.

I watched him dissect the crab. Sobrang kabisado na niya kung paano ito kakainin nang maayos. Nakita ko rin na may gunting siyang maliit at cracker na hiniling niya kanina sa waiter. Ginugupit niya yung galamay ng crab at tinutusok ang loob, tapos lalabas na ang laman.

Wow, I never knew about that!

Ilang sandali lang, nakalatag na sa plato ko ang crab na hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan!

"That's how you eat crabs easily." He smiled before looking at me. "Can you . . . enjoy your stay here without remembering the people in your past? Can you . . . live in the moment and forget about the past? One month lang naman."

I gulped.

I know that I've been very vocal with him about what happened to me in the past. Plano ko na rin naman ang kalimutan na muna 'yon lalo na't nag-e-enjoy naman ako kasama siya. Hindi ko lang in-expect na . . . hihilingin niya sa akin 'to.

"H-Huh?"

I was lost for words. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa kan'ya dahil bigla akong kinabahan. But this nervousness wasn't bad. I was nervous . . . and kind of . . . excited.

He smiled before looking down on the bowl with crabs on it. "Wala. Let's eat."

And so we continued eating.

Pinanood ko siyang paghiwa-hiwalayin ulit ang bawat parte ng crab na kinakain namin. Napapangiti na lang ako dahil hindi ko talaga alam noon yung paraang ginagawa niya ngayon para makain nang mas mabuti ang mga laman ng crab. Palagi na lang niyang ginagawang mas convenient ang buhay ko rito.

Nang matapos kumain ng dinner, tinawag na niya ang waiter para sa bill. I took my wallet from my bag to pay for our dinner. I was about to get the bill when Grayson took it first instead.

"Grayson . . ."

He smiled at me. "Ako na. Ikaw naman ang nagbayad ng lunch kanina."

Napanguso ako. "Ang dami nating in-order. Ako na ang magbabayad."

He shook his head before putting blue bills on the bill holder. "No. Ako na."

Sa huli, wala na rin akong ibang nagawa kung hindi ang hayaan siya.

Matapos makapagpahinga nang konti, napagdesisyunan na naming lumabas ng restaurant. Naglakad-lakad na lang ulit kami sa paligid ng Alona beach hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang ice cream na masarap dito. yung sa Bohol Bee Farm.

"Anong flavor ang gusto mo?" he asked as we scanned the menu in front of us.

Tumingin ako sa kan'ya na nakatingin lang sa menu. "Ako naman ang magbabayad ngayon, ah? Avocado ang sa akin."

Mabilis ko iniiwas ang tingin ko nang mapansing titingin na ulit siya sa akin. Gusto kong tumawa dahil nakita ko sa gilid ng mga mata ko na natatawa na rin siya sa akin. Ayaw kong magpatalo, 'yon siguro ang iniisip niya.

"Ako na, mura lang naman 'to," he said, chuckling.

I shook my head, trying hard to stop myself from smiling. "Ako na."

I glanced at him and saw that his eyes are glistening as he laughed. Ibinalik na niya ang paningin sa menu. Siya na rin ang nagsabi ng flavor na o-order-in namin. He ordered avocado for me and langka for him. I watched the vendor prepare our orders right in front of me. Parang ang thick ng ice cream. Tinitingnan ko pa lang, parang ang sarap na talaga.

The milk is so visible. Damn, kaya pala ang daming tao rito kanina.

"Here's the avocado," he said as he gave me a cone with avocado flavored ice cream. "And here's mine. Langka."

I smiled. "Thanks!" I said before licking my ice cream.

Wow, ang sarap! My eyes widened at him, unable to talk. I continued eating my delicious ice cream. Lasang-lasa ang avocado at hindi siya basta flavor lang! Ang milky niya pa!

Tumawa siya bago nagsimula nang maglakad. "Thank you kasi ilang beses mo na akong nililibre."

I chuckled. "It's okay. Sinasamahan mo naman ako sa pag-iisa ko."

He smiled a little before eating his ice cream. "Hindi ka na mag-iisa ulit."

I smiled at him. "Thank you. Sana hindi ka nabo-bore kasama ako."

He laughed. "Walang boring na segundo kasama ka."

The silence hit the both of us again and it's never awkward and bothering.

This silence that I have whenever I am with him always feels so comforting.

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon