Chapter 11

97 10 3
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nang makarating kami sa harap ng room ko sa resort, inaya ko na munang magkape si Grayson sa loob.

"Hindi na. Maaga tayo bukas." He laughed.

Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. "Saan tayo pupunta? Wala talaga akong ginawang itinerary."

He chuckled. "We'll do island hopping. Then I'll teach you how to swim. We'll do an underwater photoshoot, Summer."

Napatango ako at nag-isip ng kulay ng bikini na isusuot. Dapat maganda 'yon dahil kukuhanan niya pala ako ng pictures underwater! This is the first time that I'll do this. Sana naman maganda ako no'n.

"Uhh, sige."

"Three days ka lang dito sa Bluewater, 'di ba?" He held his chin with his right hand like he's thinking about something. "Hanggang anong oras ka naka-check in dito?"

Damn, bukas na nga pala ang checkout ko. Nawala na talaga 'yon sa isip ko!

"Uhm, hanggang 1:00 PM."

He nodded. "Gusto mo bang dumiretso na tayo sa Tagbilaran? Sa Monday na rin kasi yung start ng Saulog Festival." He pursed his lips when I didn't answer immediately. "Kung gusto mo lang naman."

I sighed before looking away. "Nawala talaga sa loob kong three days lang ako rito sa resort. Bukas ako naka-schedule na lumipat sa apartment na kinuha ko dito lang din sa Panglao."

Okay rin sana yung dumiretso kami ng Tagbilaran. Kaso sayang naman yung apartment na nakuha ko na. Ang mura na rin no'n kung tutuusin.

"Dumiretso na tayo ng Tagbilaran," he suggested. "Marami rin magandang tourist spots do'n. Mas okay rin kasi mas kabisado ko talaga ro'n tsaka mas malapit nga sa iba pang lugar."

I nodded slightly as I watched a few people swimming in the pool. "Hmmm . . . okay." I smiled at him. "Dumiretso na tayo ng Tagbilaran bukas."

Automatic na napangiti siya nang banggitin ko ang tungkol sa desisyon ko. "Really?"

I chuckled. "Oo nga."

He smiled. "Should I ask my cousin to prepare a room for you? Saan ka ba tutuloy? Hotel? Sa family house o sa bahay ko?"

Sa sunud-sunod na tanong niya, talagang nakalimutan ko nga na hanggang bukas na lang ako rito sa resort. Masiyado yata akong nalilibang kasama si Grayson, nakakalimutan ko yung mga dapat hindi makalimutan.

I smiled at him. "Hotel muna. Maghanap ako online nang makapag-book ng accommodation."

Ngumiti siya bago marahang tumango. "Okay, then. I'll help you find a better hotel for you to stay there."

I chuckled. "Okay. Thank you."

"Can you wake up by 5:30 AM?" he asked. "We'll do island hopping, as I've said earlier. Hanggang lunch time lang naman. Marami pang island na p'wedeng puntahan and we can go there any time since you have a month to stay here. Para lang hindi sayang ang araw mo bukas."

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon