Chapter 18

82 10 0
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nang magmulat ako ng mga mata, iba na ang itsura ng kisame. Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at inikot ang paningin sa kabuuan ng k'warto.

Where the hell am I?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Grayson na nakaupo sa couch malapit sa kama. Hawak niya ang tasa ng kape habang tinitingnan ang pictures na nakuha niya sa camera.

"U-Uhh . . ." Lumingon siya sa akin. "A-Anong oras na?" tanong ko.

"It's already ten in the morning." Ibinaba niya ang tasa at ang camera sa table. "Good morning. I'll make you a coffee."

Naglakad na siya papunta sa isang table kung nasaan may electric kettle at naka-pack na coffee, creamer and sugar. Napakamot ako ng ulo bago inalis ang kumot at nagsimulang maglakad papalapit sa kan'ya.

"Uhh . . . where are we?"

He looked at me and smirked. "We didn't get to go back last night. Someone passed out kasi makulit. Ayaw magpaawat." He chuckled.

Nag-init ang mukha ko. I can't imagine myself last night! Ano bang ginawa ko? Nag-pass out lang naman ako 'di ba?!

"By the way . . ." Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "May utang ka pala sa akin."

Napakunot-noo ako. And then naalala ko na baka siya ang nagbayad ng bill namin kagabi! "Ahh, o-oo. I will pay you now. M-Magkano ba?"

Tumingin siya sa akin nang nagtataka bago tumawa. "I didn't mean the bill. May iba kang utang sa akin."

Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko dahil sa utang na sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi naman masamang magkautang, right?!

"U-Uhh . . . ano ba 'yon?"

Ilang sandali pa, tumunog ang electric kettle, senyales na kumukulo na ang kaunting tubig na nando'n. Pinatay na niya 'yon at isinalin sa isang mug ang tubig, saka hinalo 'yon. Pagkatapos n'on, iniabot niya sa akin ang kape na ginawa niya.

"T-Thanks." Hinipan ko 'yon at humigop nang bahagya. Napangiwi pa ako nang mapaso ang dila ko kaya ibinaba ko na muna sa table ang coffee mug. "So, what do I owe you?"

He smiled. "Kiss."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya, bago siya hinampas. "Grayson, ah! What are you talking about?"

He laughed at my reaction. "Ohh, it's not a kiss pala. It's kisses."

Lalong umawang ang bibig ko nang tumawa siya habang naglalakad pabalik sa couch. Padabog akong sumunod sa kan'ya. "Bakit naman ako magkakautang sa 'yo niyan?!"

He smirked. "Ewan ko sa 'yo. You kept on telling me how handsome I am. Nanghihinayang ka pa dahil may anak na ako, sabi mo." Ngumiti ulit siya. "You know, I like kisses but I prefer to do it with a sober woman, not a wasted one. I like everything consensual."

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon