Ruth Summer, who was left by Enzo, decided to leave everything behind in Manila and went to Bohol for thirty days to take a break. Then she met Grayson who captured beautiful photos of her-including her heart.
***
Ruth Summer Rosales' life crumbled...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumaba ako mula sa motor niya nang makarating sa Bluewater Resort. Hinubad ko ang helmet at inabot 'yon sa kan'ya.
"Thank you."
Kinuha niya sa akin 'yon saka ngumiti. "Uhm, hanggang kailan ka rito?"
Tumingin ako sa kan'ya nang nagtataka. "Bakit?"
He shrugged. "Wala naman. I just . . . want to know? Baka may maitulong ako sa 'yo sa lugar na 'to. Baka may gusto kang puntahan na alam ko. I can be your tour guide here."
Wow, that's tempting, huh?
I smiled. "Three days lang ako rito."
He nodded before scratching his nape. "Uhm, ang bilis naman yata? Hindi ka ba mabibitin?"
I shrugged. "See you when I see you, I guess?"
Bumaba siya ng motor tsaka tumayo sa harap ko. "Uhm, mag-check in na rin ako habang nandito ka."
Napakunot ang noo ko nang dahil do'n. "Bakit?"
He chuckled. "Hindi ako taga-Panglao."
"Bakit nandito ka?"
He shrugged again before holding his camera. "Namamasyal lang din."
Napatango na lang ako bago tumingin sa loob. "Wala kang dalang gamit?"
Umiling siya. "Marami namang mura na tinda d'yan. P'wede na siguro 'yon. Three days lang naman."
Tumango na lang ako bilang tugon. I cleared my throat. "Uhm, pasok na ako. Mag-book ka na lang sa front desk if you're really checking in."
Tumango siya bago ako pinaunang pumasok sa loob. Naiwan siya sa front desk, nakikipag-usap sa clerks para sa accommodation niya. I don't really know him but he looked nice. He even offered to tour me here.
Though, it may be scary to trust a stranger, but I can really feel that he's nice. Maybe one of the reasons why he's being nice is because I caught him taking photos of me. Baka ito yung pambawi niya do'n.
Nang makarating ako sa room ko, hinubad ko ang suot na damit bago pumasok sa bathroom para maligo. I want to drink in the poolside bar. Mukhang okay naman dito. Maliit na bar lang siya pero tingin ko naman, p'wede na. Hindi rin naman marami yung nandoon dahil ang karamihan ay nasa lounger—kung hindi naman, mga nagsi-swimming.
I wore a black bikini topped with see-through cover up since I'm planning to swim after I drink something. I rolled my hair up into a bun, then I'm ready to go.
Pagkalabas ko ng room, nakita ko yung lalaking photographer na tumayo sa kinauupuan niya kanina bago lumapit sa akin.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko.
He shrugged. "I just . . . want to accompany you, I guess?"
Bahagya na lang akong ngumiti bilang tugon. Ilang sandali pa, naglahad siya ng kamay, dahilan para mapatingin ako nang mabuti sa kan'ya.