Chapter 05

119 8 2
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

"Do you want to swim?" I asked right after we finished a bottle of tequila. He's now drinking a beer. Pambanlaw, sabi niya.

Umiling siya bago naupo sa lounger, hawak ang bote ng alak. "Bukas na lang. Bili muna ako ng damit ko."

Tumango ako bago hinubad ang cover up na suot. It's already past 11:30 p.m. Mabuti na lang, wala na halos naliligo. Parang solo ko na ang buong pool kahit may konting tao sa medyo malayong parte. I want to swim all night kaso baka hindi ko kayanin. I'm kind of tipsy and I might get drown kapag pinilit ko.

"I'm going to take photos of you. Do you mind?"

I smiled. "Ikaw ang bahala. Just make sure that I'll look pretty there, okay?" I joked.

He chuckled before placing the camera in front of his face. Tumalikod na ako sa kan'ya bago tumalon sa tubig. Ramdam na ramdam ko ang ginhawa matapos kong gawin 'yon. Parang pakiramdam ko, naging sober ako sa pagtalon ko sa malamig na tubig na ito.

Lumangoy ako nang lumangoy sa kalawakan ng pool. I'm even trying to float pero nahihilo talaga ako kaya naman nahihirapan ako. I caught a glimpse of him, watching me as he held his camera.

Oh, akala ko ba kukuhanan mo ako ng pictures? Why are you only watching me?

I looked away from his serious gaze as I started to swim again. Hindi ko na alam kung saang part na ako ng pool but I know that I'm already far from where I was earlier. Tumigil ako sa paglangoy at bahagyang umahon. I looked around and saw that I'm already near a bunch of guys, talking and looking at me. Nakita ko pa ang dalawa na papalapit na yata sa akin. Nakaramdam ako ng kaba nang dahil do'n.

I was about to swim away nang may tumalon malapit sa akin, dahilan para magulat ako, maging ang mga lalaking malapit sa akin. Nang umahon ito, nakita ko si Grayson na papalapit sa akin!

"Summer," he called.

I gulped. "G-Grayson. I'm sorry, medyo napalayo—"

"Let's go back, babe."

Napaawang ang bibig ko sa itinawag niya sa akin bago ako hinila palayo sa lugar na 'yon. Lumingon ako sa mga lalaking lumalapit kanina at nakita kong nakatalikod na sila sa akin, mukhang bigo dahil hindi ako nakalapit.

Ibinalik ko ang tingin kay Grayson. His wide back is facing me. Napangiti ako nang mapagtanto kung anong ginagawa niya. He's watching me . . . and he protects me from the guys that might have hurt me a while ago.

Nang tuluyan nang makaahon, nakaramdam ako ng sobrang ginaw. I should've brought my towel and bathrobe! Bakit hindi ko dinala? Ang lamig ng hangin!

"Are you cold?"

Napalingon ako kay Grayson na ngayon ay nakatingin sa akin. "Huh?"

He stopped walking in front of me. "You're trembling. Let's go to your room. Wala kang dalang towel or anything."

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon