Ruth Summer, who was left by Enzo, decided to leave everything behind in Manila and went to Bohol for thirty days to take a break. Then she met Grayson who captured beautiful photos of her-including her heart.
***
Ruth Summer Rosales' life crumbled...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ibinalik ko na sa pinaglalagyan ang mga portfolio na tiningnan ko, saka pinatay ang ilaw bago lumabas ng guest room at ni-lock ang pinto. Isinoli ko na rin sa pinagkuhanan ko ang susi at sinigurado na hindi malalaman ni Grayson na pinakialaman ko ang gamit niya.
He doesn't care kahit pakialaman ko lahat pero ayaw ko pa rin malaman niya . . . lalo na ngayon na marami na akong nalaman tungkol sa nakaraan niya.
Itinuloy ko na ang plano kong maligo, tutal, wala pa rin si Grayson hanggang ngayon. Sa sobrang dami ng iniisip kong gawin, lalo akong nagtagal sa pagligo. Natapos ako na almost 7:00 p.m. na.
Wala pa rin si Grayson. Uminom kaya sila?
I sighed as I took my phone that's turned on. Sa pagkakaalala ko talaga, pinatay ko ito kanina, eh. Pero hindi ko siguro napindot nang maayos kaya naiwang nakabukas.
Tatawagan ko sana si Grayson para malaman kung anong oras siyang uuwi pero may naalala na naman ako sa mga bagay na iniisip ko lang gawin kanina. Ayaw ko sanang gawin 'to . . . pero matapos kong makita ang lahat . . . pakiramdam ko, dapat lang na magkita sila at magkausap.
Kahit 'yun lang, magawa ko para kay Grayson kung sakali man na kailangan ko nang bumalik ng Manila.
Kahit na makita niya man lang si Love makalipas ang dalawang taon na hindi niya ito nakikita . . . siguro, malaking bagay na 'yon para sa kan'ya.
I searched for Maria's number and called it. Mabilis na mabilis lang din ay sinagot niya ito.
"Ruth!" she screamed on the other line that made me laugh. "Omg! Kumusta ka na?! Kailan ka uuwi?!" excited at sunod-sunod na tanong niya.
I chuckled. "Maybe next week pero hindi pa sure. Kumusta, Maria?"
"Okay lang! Miss ka na namin! P'wede ka pang bumalik, ha?"
I chuckled. "Pag-iisipan ko, Maria." She chuckled as she said yes. "Anyway, can I ask you a favor?"
"Sure! Ano 'yon?"
I gulped. "I'll send you the name and other details of a woman. I might also send you a photo. Can you help me get her contact information? Importante lang."
"Hmmm . . ."
I suddenly got nervous when Maria fell silent as she thinks if she'll do me a favor. Alam kong masyado na akong nanghihimasok sa buhay ni Grayson pero hindi ko kayang manatili dito sa tabi niya at walang gawin gayong nakita ko na naging genuine ang happiness niya kasama ang mag-ina niya.
"Try ko, ah? I'll send you an update kaagad!"
I heaved a sigh. "Thank you, Maria!"
"Anyway, balita ko may bagong boylet ka na raw?"
Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Huh?"
"Usap-usapan lang! May nakakakita raw ng tagged photos sa 'yo sa Instagram. Ang pogi, ah! Mas pogi si Enzo pero pogi rin 'yang jowa mo d'yan!" She giggled.