Chapter 25

86 8 1
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nakarating kami sa lugar kung saan napakaraming tao ang naghihintay sa gilid ng kalsada. Ipinasyal muna ako ni Grayson sa lugar habang naghihintay na magsimula ang street dance. Marami siyang sinasabi at sinusubukan na ibalik ang magandang mood ko kanina pero nakakainis kasi, hindi man lang niya ino-open ng tungkol do'n! Sigurado naman na alam niya kung anong ikina-bad mood ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas ng paghihintay namin. Nagsimula na rin ang hinihintay namin. Kaya lang, sobrang tirik ng araw tapos sobrang dami pang tao ang nandito kaya naman pawis na pawis ako. I had to fan myself with my hands since I didn't buy one.

In fairness din sa street dancers talaga. They were all smile kahit na nasusunog na sila sa tindi ng sikat ng araw. They are gracefully dancing with their neon green costumes on. May hawak pa sila na malaking fan na katulad halos ng sa suot nilang costume. Ang gaganda!

They really took their time practicing for the steps of this street dance. Ang gaganda ng kulay ng bawat group. There's neon green, yellow, white, silver, there's also multiple colors in one costume!

The one with sky blue and white costumes has the simplest aura. If I was still a kid, I would definitely compare it to Elsa from the Frozen movie. They looked really cool in their costumes! May suot pa silang crown!

Some headdresses that these street dancers are wearing really looked a bit heavy. Parang nakakaawa na they had to dance and walk along these streets on this very hot day! And they always had to put on a sweet smile for a better aura, I guess.

I sighed. The things people do for the things they want to do talaga.

Napatingin ako kay Grayson nang pinunasan niya ang pawis sa gilid ng noo ko gamit ang panyo niya. Pababa nang pababa ang pagpunas niya ng pawis ko mula sa gilid ng noo ko, hanggang sa pisngi, hanggang sa nakaabot na siya sa leeg ko.

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. Ibinalik ko na ang atensiyon sa street dancers na nagpe-perform sa harap namin ngayon.

"Wait for me here, Summer. I'll just buy us water and a fan."

I just nodded in response. And then I felt him leave the place. Napahawak ako sa dibdib at pinakiramdaman ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagpunas ng pawis ko.

Fuck, ang babaw na lang ng dahilan ng mga kaba ko ngayon, ah? Hindi naman ako masyadong malakas magkape dito, ah?

I was enjoying the performance in front of me one someone stopped beside me. Wala naman ako planong lingunin siya dahil sigurado naman akong si Grayson 'yon. Kaso nagulat ako nang magsalita siya.

"Where's your friend?"

Mabilis akong napalingon sa boses ni Hugo na narinig ko. Paano naman kami nahanap nito? Ang dami nang tao, ah?

"Ohh, u-umalis. Bumili."

Tumango siya saka ngumiti. "Glad I found you." I chuckled. Binuksan niya ang mineral water na hawak saka iniabot sa akin. "Sa 'yo na 'to. You looked really hot—I mean—naiinitan ka."

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon