Chapter 15

84 9 0
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nang makarating kami sa Arabelle Suites, Grayson paid the tricycle driver with his own money. Ayaw niya talaga akong pagastusin, huh?

"Grayson, last mo na 'yon, ah!" reklamo ko nang makita ko ang binayad niya sa driver.

He laughed. "No."

Hinila na niya ang dalawang luggage ko papasok sa lobby ng hotel. Nakipag-usap na kami sa clerk para sa accommodation na b-in-ook ko kagabi. Nag-fill up ng form, hanggang sa ibinigay na nga sa akin ang susi ng magiging room ko.

Inihatid kami ni Grayson sa floor at sa magiging room ko. Maayos at malinis naman. Hindi masiyadong malaki dahil mag-isa lang naman ako. Maganda rin ang view sa labas ng bintana kaya sulit na rin.

"Thank you!" sabi ko bago lumabas ang lalaking naghatid sa amin dito.

"You should only stay here for three days again," he said as he put the luggage beside the bed. "Malaki ang mauubos mo rito kapag nagtagal ka."

I chuckled before sitting on the edge of the bed. "Okay lang, may pera naman ako."

Ngumuso siya bago naupo sa couch malapit sa akin. "May k'warto naman sa bahay ko, p'wede ka rin naman do'n. Wala naman akong gagawin sa 'yo."

Tumawa ako nang malakas sa sinabi niya. "Grabe, hindi naman kita pinag-iisipan nang gano'n!"

"Eh . . . bakit ayaw mo?"

I laughed again. "Nakakahiya, ang dami mo nang naitulong sa akin."

He sighed. "Hindi mo na kailangang mahiya sa akin, Summer. I told you to be comfortable with me. Ako lang naman 'to. Simpleng mamamayan lang din ako dito. And I want you to experience the best in this place. Mas okay kung makakatipid ka." He smiled a little. "Malay mo . . . mag-extend ka."

I smiled a little.

Parang kanina lang, iniisip ko na sana, dito na lang talaga ako nakatira. Masiyadong maganda ang mga nakita ko sa ilalim ng dagat kanina. Parang bigla akong nagkaroon ng rason para mag-stay nang mas matagal o manatili.

Pero hindi kasi p'wede. Hindi ito ang buhay ko.

"Hmmm . . ." I responded. I don't know what to say.

"Hmmm?" panggagaya niya.

I laughed. "You don't have to worry about my financial status. Handa naman ako sa magiging gastos."

He took a deep breath before he talked. "Just tell me if you want to stay in my house. Free lang 'yon and you'll feel at home there."

I chuckled. "Sure. Thank you."

"Anyway, uuwi na muna ako sa bahay ko. Magpahinga ka na muna. I'll be back later."

Tumango ako. "Okay, then. Ingat!"

Tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto—cue na nakaalis na nga siya ng room. Nahiga ako at ibinalot ang kumot sa katawan.

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon