Chapter Three
[ Aria's POV]
"D-DAD, yes. Doctor Montero is here but he's currently preparing in OR for a stat patient. May o-operahan siyang pasyente."
"Were you able to convince him already, Aria?" natutuwa at mukhang hindi makapaniwalang sagot ni daddy.
How am I going to explain this?"Dad, may pasyente po kasing--"
"I'm almost at the hospital. Anong OR room ang gagamitin niya?" putol ni Daddy sa sasabihin ko.
"OR five po, Dad."
"Good that you booked the OR with the viewing room. Page our neurosurgery residents, interns, medical students who are currently on duty and free. Tell them to proceed immediately to OR five's viewing room. Be there also." Dad couldn't even contain his excitement from the sound of his voice. He was obviously fascinated with that doctor which I'm not really even sure if talagang magaling. The viewing room will show how skilled he is as a doctor. It will also be an opportunity for him to fail, siguradong mapapahiya at baka hindi na ipagpatuloy ni daddy ang pagpirate sa kanya. That will save me from stress. Not that I don't want the operation to be successful but...Uhhh!
Actually, I admire him a little...well, a little for wanting to save that boy's life. I always face the same problem everytime. Mga pasyenteng mga walang pambayad na hindi tinatanggap ng ospital. They will have to pass through me and most of the time naawa talaga ako kaya ako pumapayag. The draw back is, ako lagi ang nalalagot kay Daddy lalo kay Tita Loisa.
Nagpaalam si daddy. Immediately, I called the paging station just as Dad had instructed me.
"Yu, please explain to me what is happening? Who's that doctor at mukhang malakas sa Daddy mo, huh?" si Beatrice na nakabuntot parin sa akin at kanina pa ako kinukulit tungkol sa lalaki.
"You heard it. He's a neurosurgeon," sabi kong naglakad at huminto sa elevator. Doctor Montero was already at the surgery section. Malamang nagpalit na ng scrub suit at naghuhugas na ng kamay. I had a nurse escort him there.
"Sa pagkakatanda ko may neurosurgeon kang sinundo sa States. Matanda, pangit at bastos. Na gustong gawing team head ng daddy mo," pumasok kami sa elevator at pinindot ko ang seventh floor.
Napatikhim ako.
"Looking at him physically, mukhang hindi. Bata pa, gwapo, at mukhang hindi naman bastos," napahawak pa si Bea sa baba na mukhang nag-iisip. "A team leader or head of neurosurgery? Parang ang bata pa niya. I'm sure our head and senior neurosurgeons won't even consider having a leader who is much younger than them. Ma-pride ang mga iyon. It will be a major blow to their egos. So tell me? Sino siya?"
The elevator opened and we crossed the bridge to the second tower. Pumasok muli kami sa elevator to the third floor. "Yu, tinatanong kita?"
Bea will find out soon. Hindi naman siguro masama. "That's him. Yung sinabi kong neuro na sinundo ko. It's him."
"What?!" nanlaki ang mga mata ni Bea. "Seriously, Yu? Bakit mo sinabing matanda?" napatitig siya at ngumisi ng nakakaloka. "Uy, may nangyari ano?" tinulak niya ang balikat ko. "Magkwento ka! It's not you para manira ng ganun ganun nalang."
Pinaikot ko ang mga mata. "Walang nangyari, okay? Please, Bi, bata sa'kin ng anim na taon ang lalaking iyon at hindi ko siya type! Sadya lang talaga siyang papresyo at arogante kaya nainis ako sa kanya. Kaya ko iyon nasabi," sabi kong napalunok.
"Weeh? bakit iba ang sinasabi ng mga singkit mong mata? Parang type mo?" anitong idinikit ang mukha sa mukha ko para tingnan ang mga mata ko. "At ano namang masama kung mas bata siya sa'yo ng anim na taon? Bata ka namang tingnan. Hindi nga halatang thirty five kana. Parang magka edad lang kayo," sabi nitong binuntutan pa iyon ng nakakainis na tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/295547594-288-k243664.jpg)
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.