Chapter Forty
[Aria's POV]
I thought I already knew what totally happened pero wala pa pala iyon sa kalingkingan ng inaasahan ko. Parang tinutusok ang puso ko sa sobrang sakit. It was already too painful to hear it from Hannah but it became more unbearable na marinig ko ito mula kay Rafael. Ang sakit sakit ng dibdib ko...
Bigla akong nahiya sa sarili ko, kung pa'nong labis ang pagdaramdam ko sa naranasan ko sa pamilya ko pero wala pa pala iyon sa kalahati ng naranasan ni Rafael. Pakiramdam ko dinala ako sa panahong iyon sa eksaktong oras dahil ramdam na ramdam ko ang kirot at pighati na para bang ako mismo ang naroon. Na parang ako mismo ang nakaranas ng lahat.
Hindi ako nagkamali sa simula palang. Kahit na ga'no ka nakakaintimidate, nakakatakot at nakakagulat na makita ko siya sa ganoong tagpo kasama si Hannah na ni hindi niya pinagkaabalahang itanggi iyon sa'kin na para bang tanggap niya at wala siyang pakialam na isipin kong ganoon siyang klase ng tao, pero hindi ko iyon pinaniwalaan dahil nang matitigan ko ang mga mata niya nararamdaman ko ang totoong siya at ang totoong kailangan niya.
I felt the warmth of his soul. At hindi ako nagkamali roon because the man that I love so much was so beautiful. Hindi lang sa labas kundi sa kaloob looban ng pagkatao niya.
Hindi ko lubos maisip kung pa'no niyang nainda ang lahat, sakabila ng ginawa sa kanya ng grupo nila Doktor Tavera, ni hindi niya naisip na maghiganti, na gawan sila ng masama.
Naalala ko kung pa'nong ang buong puso na dedikasyon lang sa pagligtas sa buhay ng mga pasyente niya ang lagi niyang hangad kasama na ang buhay ng mga ama ng mga taong sigurado akong siyang maypakana na gawan siya ng masama noon, si Doktor Tavera, si Senator Hechanova. He even risk his own profession. Ang propesiyon niyang alam kong mahal na mahal niya. At hindi lang iyon kundi ang sariling buhay niya para mailigtas lang ang mga taong ito pero ano ang binalik nila sa kanya? They were even plotting to destroy him! Ang mga hayup na iyon!
Gusto kong panghinayangan ang pagkakataong dapat ay naigante sa kanila! Lalo na si Tavera na hindi ko alam kong pa'nong nagawang maging parte ng kompanya gayong halang ang kaluluwa!
Lalo akong nanlumo.
They don't deserve Rafael. They could not deserve him and I felt like I was even more not deserving of him at all...
Na sakabila ng lahat ng dinamdam at dala dala niya bago ito, ay nakuha niyang ibigay sa'kin ang pagmamahal na pinagdudahan ko pa kung buo. Kung pa'nong lagi ay kaunting kibot at iyak ko lang ay naroon na agad siya, iiwan ang kahit anong bagay para daluhan ako. At kahit alam ko naman talagang hindi ako katalinuhan at kagalingan pero totoong nakikita niya ang halaga ko bilang tao.
Pinigilan ko ang paghikbi dahil ang presensiya niya ngayon ang isa sa mga ebidensiya kung pa'no at ga'no siya magmahal. He was supposed to be with his parents! Bakit siya nandito?
Kaya hindi ko matanggap.
Hindi ko matanggap na ayaw ni daddy maging kami dahil lang sa maling paniniwala niya kay Rafael.
At ni ayaw kong tanggapin na may parte ng sarili kong nakakaramdam ng selos sa klase ng pag-ibig na nagawang isakripisyo ni Rafael para kay Ann noon na naging kapalit pa ay ang pagkasira niya.
Didn't I count how bless I was simula ng makilala ko siya?
How much he appreciates me made me see my true value as a person at tumaas ang kompiyansa ko sa sarili ko. Kapag kasama ko siya hindi ko naiisip ang agwat ng edad namin at kahit kailan hindi iyon naging issue sa kanya.
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.