Thank you for patiently waiting! Saka ko na ulit gagawin ang typos.
Chapter Thirty-Five
[Ann's POV]
"Kuya, padala nga 'to ni Nana," pangungulit ni Annalise kay Rafael habang nakabuntot sa likod nito. Naglakad ako at pasimple silang sinundan papasok sa cafeteria ng ospital.
" Anong kailangan mo ngayon?" si Rafael na natigilan sa isang mesa. Nilapag ni Annalise ang paperbag sa mesa. Napaupo siya roon at napaupo naman si Rafael sa harap niya. Tumigil ako sa counter kaya hindi ko na sila gaanong naririnig.
"Ano sa inyo doc?" anang nasa counter.
"Fresh Salad lang," sabi ko at nang maiabot iyon sa'kin ay pasimple na akong na upo malapit sa kanila. I was sitting behind Rafael at nagkunyari na akong kumakain. Nakaharap ako kay Annalise at nakatalikod naman si Rafael sa'kin.
"Nirason mo na naman si Nana nandito kalang para humingi ng pera. Patingin nga ng grades mo," si Rafael.
"Kuya, masarap kaya 'to paborito mong ulam iyan. Kare-kare at sinigang. Tumulong pa akong magluto kay Nana," Annalise tried to smile at inabot pa ang laman ng paper bag but Rafael cut her off.
"Grades."
"Kumain ka muna, Kuya."
"Ayoko. Mamaya ikaw nagluto niyan nilagyan mo pa iyan ng pampaamo."
"Pinapakain na ngalang baka gutom ka lang," himutok ni Annalise saka napilitang inilabas ang isang papel sa bag at inabot kay Rafael. Pinasadahan naman nito iyon ng tingin.
"Ba't ang baba nitong Cell Biology ang dali lang nito?Itong RNA at DNA subject mo rin. Gawin mo munang uno ang mga 'to bago ka bumalik sa'kin," akmang tatayo na si Rafael pero pinigilan siya ni Annalise.
"Kuya naman, ang hirap kaya ng molecular biology," pagmamakaawa nito.
"Bakit? Kasalanan ko ba na 'yan ang kinuha mong kurso? Pumasok kana." This time he stood up from his seat.
"Kuya, mataas nayan kumpara sa mga kaklase ko na kumakapit na nga lang sa bangin ang grades," rason pa uli ni Annalise.
I could almost imagine Rafael's snort.
"Kuya, ihulog mo sa account ko ngayon. Marami kaming projects," tila bata at desperadang sabi nito at hinawakan pa ang paperbag bago iyon maabot ni Rafael. Gusto kong mahiya sa inasta ng kapatid ko ngayon. Ganito ba talaga sila ka close hanggang ngayon?
"Masarap 'to? Sigurado ka? Malalaman ko kung ikaw nagluto nito."
"Si Nana talaga nagluto niyan Kuya. Pinadala niya sa'yo."
"Go, may case pa ako ngayon."
Lumawak naman ang ngiti ni Annalise. "Pamasahe ko Kuya."
Bumunot naman ng pitaka si Rafael sa likod ng bulsa nito at may dinukot at binigay kay Annalise.
"Kuya fifty pesos?"
"Akin na 'to." Hinablot ni Rafael ang paperbag.
"Di ko na isasauli aso mo sa'yo."
"Bahala ka," balewalang sabi ni Rafael saka umalis bitbit ang paperbag.
"Suplado!" she mouthed and made a face na sinundan ng tingin si Rafael pero natatawa naman habang pinapasok ang papel sa bag nito.
Isaktong pag angat nito ng mukha ay nagkatinginan kami. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha niya pero napalitan agad iyon ng ngiti.
"Hi po, doc! Kayo pala iyan?" she waved her hand at napatayo.
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.