Chapter Thirty One

3.2K 118 40
                                    

Chapter Thirty One

[Ann's POV]

Mahirap ang maipit sa sitwasyon, kung may choice lang ako noon kung pwede lang na nakawala ako noon kay Hechanova ginawa ko, pero pinili kong sundin ang gusto niya para sa kalayaan ng lalaking mahal ko kahit ga'no pa iyon kasakit. Nararapat lang din naman sa'kin iyon dahil sa mga ginagawa ko sa kanya.

Pero ngayon nakikita ko siya at sobrang nangungulila hindi ko maiwasang umasa. Hindi ba talaga siya nakaramdam ng katiting na pagdududa sa'kin, sa mga titig ng mga mata ko sa kanya, sa mga galaw na alam kong saulado niya noon.

Wala ba talaga?

Pero kung makakaramdam nga siya at malalaman niya magugustuhan ko ba ang reaksiyon niya?

" We're expecting you two bukas, doc. Excited na ako sa mga revelation niyo," Doctor Zamora gushed teasingly at him while they were now washing their hands together at the washing station after we did a spinal surgery. I heard his manly and delicious chuckle pero hindi siya nag komento. Tuloy lang sa pagsabon sa kamay. Umangat at bumababa ang kamay niya.

His towering built remained the same kahit likod lang niya ang nakikita hindi mo maipagkakaila ang lakas ng dating at tindig niya. Nakahilig ako sa pader habang pinag mamasyan ang kilos niya. Eversince, his movements were smooth, snappy and very sure. Unang tingin mo palang alam mong siya ng tipo ng lalaking alam ang gusto niya, at madali iyong makuha ng kagaya niya.

He swiftly moved to get paper towels from the dispenser and dried his hands with it. Kasabay ng galaw ang pagkahulog ng buhok niya sa gilid ng mukha. His dark brown hair were a bit longer pero bagay sa kanya. Sa gwapo ng mukha niya kahit ano namang gupit bagay sa kanya. Naalala ko pa kung ga'no iyon kalambot habang pinapadaan ko ang mga daliri ko roon at nakatitig sa masuyo niyang mga mata. The way he looks at you with his eyes too were as precise with how he feels about you. His eyes maybe laced with menace and authority, with dominance but he can convey his real emotions sa simpleng pagtitig niya. Kahit na alam mong marami kang magiging kaagaw pero may assurance sa mga titig niya.

"Kahit naman wala kayong inaamin basang basa ko na kayo, doc. Iyon pang si Yui eh kilalang kilala ko iyan," patuloy ni Doctor Zamora while this time Rafael took a piece of cloth from the breast pocket of his scrub suit, tinanggal ang eye glasses niya at pinunasan ang salamin.

Hindi maiwasang kumirot ng puso ko sa narinig. Kahit hindi ko marinig ang pangalan niya alam kong ang babaeng anak ng chairman ng ospital na 'to ang tinutukoy ni Doctor Zamora.

That woman who was way older than him. Aria Yui Sato.

Hindi ko gustong maramdaman pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at galit sa babae.

She was slim and has a little frame, maliit ang mga mata, fair skinned. She looks sleek and formal, very feminine at elegante sa mga suot, soft spoken at may pinong galaw. Mukhang hindi makabasag pinggan pero may tinatago palang... kalandian...

It's not that everyone doesn't have it pero ang maabutan ko sila sa ganoon ay biglang nag iba agad ang tingin ko sa babaeng iyon.

If she was decent enough ay makokontrol niya ang sarili para umiwas na gawin iyon doon.

Matapos ang meeting parang hindi ako napakali lalo na nang mahuli kong tingin ng tingin siya kay Rafael. Her eyes were all over him during the meeting.

Duda nga ako kung totoong hindi maganda ang pakiramdam niya nun or sinadya niyang magsakit sakitan para makuha ang atensiyon ni Rafael.

When it ended, naghintay ako sa paglabas ni Rafael sa chamber. I wanted to walk with him with some of the surgeons pero hindi siya lumabas.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now