Pasensiya po, nalito at nakakalimot na ako sa pangalan at last names ng characters ko. 😥
[Aria's POV]
"Yes. It's a confidential file at ikaw ang gusto kong magdala, anak. Nasa ilalim ng drawer ko. It's a sealed white envelope," sabi ni Daddy.
"Sige po,dad," sagot ko bago nagpaalam at binaba ang phone. Nagmadali ko namang tinungo ang opisina ni Dad.
Mabibigat ang hiningang pinakawalan ko. I just came back from the airport and I expected na naka alis na si Rafael. Kahit gustong gusto ko na siyang kausapin nang nasa elevator napilpilan ako kasi hindi ko alam kung pa'no ko iyong gagawin lalo na at may mga tao roon. Hindi ko alam kung nagtatampo o galit pa rin siya. Siguro, kakausapin ko nalang siya ulit pag uwi niya. Pero parang hindi ko narin iyon mahintay. Hindi ako mapakali lalo't alam kong masama ang loob niya.
Nakarating ako sa opisina ni Daddy at binati naman agad ako ng sekretarya niya. Pumasok agad ako sa kwarto niya at hinaloghog ang ilalim ng mesa niya. Dad could be reckless at times, alam naman niyang confidential bakit dito niya lang nilalagay.
I opened the drawer at inisaisa ko ang mga iyon. Nilabas ang mga envelopes. Sa pagmamadali ko'y nahulog pa ang ilan roon. Natigilan lang ako nang malaglag mula sa isang folder iyong mga affidavits na nabasa ko noon tungkol kay Rafael. Isa-isa ko iyong pinulot at habang ginagawa iyon naisip ko ang sinabi ni Hannah. Bakit hindi ko agad ito naisip? Rafael has PTSD. He was traumatized. Pinasadahan ko uli iyon ng tingin. Lalo na ang sa Rape. I only skimmed through it at una at pangalawang pahina palang ang nabasa ko roon. Hindi ko tinuloy dahil hindi ko kayang basahin.
Napalunok ako at humugot muli ng hangin bago iyon muling binasa.
Isa isa.
Pinilit kong huwag maapektuhan sa mga statement ni Ann Romero pero hindi talaga mapigilan ng dibdib ko iyon, lumalakas ang tibok ng puso ko at sumisikip ang dibdib ko sa kung pa'no niya idinescribe at idinitalye ang nangyari sa kanya. And it stated there na si Russel Hechanova ang karelasyon niya at hindi si Rafael? Pa'no iyong nangyari?
After the victim's affidavit ay ang affidavit naman ng doktor na sumuri kay Ann.
Natutop ko ang bibig ko nang mabasa ang nakasaad roon.
Oh no! She was pregnant and had a miscarriage dahil sa tindi ng nangyari? Who's child was it? Sa kanila ba? Was it Russel Hechanova's?
Was this true or was it falsified?
Sinunod sunod ko pa ang mga sumunod na pahina at nanginginig ko na iyong naibaba, nawalan na ng lakas ang mga kamay ko. It were brutal medico legal photos of Ann.
Hindi ko na namalayan na nanulas na ang mga luha ko. Hindi ko mapapaniwalaang magagawa ni Rafael 'to. Alam kong hindi niya magagawa ito. Sigurado akong hindi niya kayang gawin 'to.
I know I shouldn't get affected pero sunod sunod na pumatak ang luha ko na parang nawawalan ng hangin ang baga ko. I couldn't help pero ang makaramdam ng sakit para kay Ann pero ang mas masakit ay dahil si Rafael ang tinuturong suspek na gumawa nito.
He was too young when this happened maybe in his first year in med. This could have destroyed his life. And poor Ann...
Sinong demonyo ang pwedeng gumawa nito?
I shook my head no! I couldn't associate Rafael in any of this. He was under the influence of drugs? Parang biglang sumakit ang ulo ko. Kung gano'n nakulong ba siya habang ongoing ang kaso? He should be dahil nonbailable ang rape at drugs! Ang tanga ko bakit hindi ko naisip na pwede siyang nakulong habang ongoing ang kaso?
Bigla bigla na agad ang pagdagsa ng maraming posibilidad sa isip ko. What Cassie had told me that Ann used to betray him, ang sinabi ni Hannah na nagkaroon siya ng trauma, his mother too who was so protective of him...
![](https://img.wattpad.com/cover/295547594-288-k243664.jpg)
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.