Chapter Seventeen[Aria's POV]
Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na maitindihan kung anong ginagawa ni Rafael sa'kin.
Rafael:
Don't attempt to see me, Aria. Just wait until I'm discharged baby.
It's almost four days at di pa rin siya na di-discharged at 'di ko pa rin siya nakikita at nakakausap. Hindi na ako mapakali. He said not to call him na ginagawa ko naman kahit gustong gusto ko na siyang tawagan. He said he doesn't want his Mom na maghinala.
Wala naman kaming relasyon para mag demand akong tawagan niya.
Ako:
Kinain mo ba iyong pinadala ko kanina? Kumusta ang pakiramdam mo? Drink your vitamins. Anong gusto mong lutuin ko sa' yo bukas?
Napatayo ako at balisang nagpalakad lakad sa loob ng opisina ko habang hinihintay ang reply niya.
Halos tumalon ang puso ko nang makitang umilaw ang cellphone ko. Dali dali ko iyong binuksan pero na dismaya ako nang makitang galing iyon kay Bea.
Yu, anong plano natin bukas sa birthday mo?
I heaved out. Wala akong ganang mag celebrate. Hindi ko rin naman mai-enjoy kasi nakatuon lang sa lalaking iyon ang atensiyon ko. Kung ano-ano na nga ang naisipan kong gawin for the past days. Actually, matagal ko na iyong gustong gawin pero ngayon lang ako nagkapanahon kasi wala siya.
I took that one pill left on his empty medicine bottle na hindi pa naman niya iniinom at pinadala sa laboratory ng kaibigan kong doktor. Pina check ko kung anong klase iyon ng gamot hoping na hindi narcotic or nakaka adik na drug at masama sa kalusugan niya. He said he'll just send me the result later.
I even book an appointment with Doctor Hannah Veneracion today. I just wanted to see that woman. No I wanted to confront that woman dahil sa mga nalaman ko. Ang malanding babaeng iyon!
Huminga muna ako nang malalim bago nag reply kay Bea. Gusto kong i-kwento sa kanya ang nalaman ko kay Gershom pero baka kumalat ang tsismis at ma involved pa si Rafael.
Ako:
Hindi ko alam.
She replied.
Bea:
Uy nagpa off kami ni Mickay bukas. Dalhin mo nalang kami roon sa tinutuluyan mong condo doon na tayo mag celebrate para may privacy tayo sa tsismis.
Ako:
Hindi pwede dun.
Bea:
Bakit may inuuwi kana bang lalaki dun?😂
Ako:
Wala nga akong boyfriend. Pa'no ako mag uuwi ng lalaki ro'n?
Bea:
Ewan ko sa'yo! Since wala kang plano mag lunch nalang tayo bukas sa Fritto be there by noon doon na natin planuhin ang gagawin natin!
Hindi na ako nag reply at nafufrustrate na parang naiiyak na wala paring natatanggap na reply mula kay Rafael.
Umilaw muli ang cellphone ko at nakita kong tawag iyon mula kay Cassy!
Oh god!
Kinalma ko ang sarili ko at tumikhim bago iyon sinagot.
" Cas!" sabi ko sa masiglang boses pero pakiramdam ko parang tatalon na ang puso ko. Ghad, bakit ako kinakabahan ng ganito?
![](https://img.wattpad.com/cover/295547594-288-k243664.jpg)
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.