Chapter Twenty Two

3.4K 116 30
                                    

Chapter Twenty Two

Sorry if I'm using medical terminologies. Tamad po akong mag explain kaya huwag niyo nalang intindihan.😅

Let's just focus on the story.❤️

[Ari'a POV]

NAGPAKAWALA ako ng malalim na hininga. Hinihintay na pumasok and assistant head surgeon at ang head surgeon. 

This viewing room is packed with medical students, interns, residents, newbie doctors, senior neurosurgeons at may iilang board members. Ang ilan nga nakatayo na sa likuran.

This operation is a complicated case kaya interesado ang lahat na matuto at manood. Pero iyong iba ayon kay Mickay nandito lang daw para panoorin si Rafael. Unfortunately, he has too many groupie in this hospital. Tuwina siya lang ang binabantayan ng mga babae rito.

Nang bumukas ang double door ng OR sabay sabay na natigilan ang lahat mula sa bulong bulugan. Naunang pumasok si Doctor Montes kasunod si Rafael.

My heart was swelling with so much pride while looking at him. As always he was so charismatic, sa tindig palang. I felt like I was exactly looking at my dream. Sana lang ay totoo siyang akin.

Tinanguan niya ang scrub nurse niya na nag abot  sa kanya ng pamunas sa  kamay. "Thanks, Nurse Lia."

"Sarap naman sa pandinig ng boses ni Doc. Napaka manly pero parang ang lambing," one of the loud newbie resident gushed behind us.

"At ang pogi pogi talaga. Ang tangkad tangkad pa. Ilan kaya height niya?" hirit ng isa.

Tumawa si Mickay bago lumingon sa kanila. Mickay is a senior resident neuro and these newbies are under her supervision. " Pogi no? Ang galing galing pang neuro halatang hindi mapapasainyo. Tsaka, ako na sasagot sa height niya. Six feet two. Tangkad di ba? Pangarapin niyo nalang, sige lang," nanunuyang tumawa ulit si Mickay.

"Doktora talaga, kill joy. Nangangarap na nga lang eh binabara mo pa," tudyo ng isa.

"Manood nalang kasi kayo," sagot ni Mickay na ibinalik na ang tingin sa harap.

I was clasping my hands together while still looking at him. Umikot na siya at itinali na ang gown niya sa likod ng isa niyang nurse at pagkuway naglakad na ito patungo sa uluhan ng pasyente. Parang nakikinita ko na ang mangyayari kapag may naka alam na isa lang kami ng inuuwian. Sigurado akong maraming tataas na kilay sa'kin. At hinding hindi ko gugustuhin maitsimis si Rafael lalo na at alam kong unang una nilang pupuntiryahin ay ang agwat ng edad namin, tapos ang kapasidad ng utak ko. Sigurado akong hindi ko rin magugustuhan ang magiging reaksiyon ni Tita Loisa.

Suminghap ang mga kababaihan nang biglang mapa-angat ang tingin ni Rafael dito. Tumuon ang tingin niya kay Daddy at tumango. I too was holding my breath lalo na nang maglakbay ang mga mata niya at tumigil kay Mickay, kabadong napahawak ako sa armrest...

Then suddenly, those charming magnetic eyes were directed on me, smiling. Pakiramdam ko lumundag ang puso ko sa dibdib ko. Pero sandali lang naghinang ang mga mata namin dahil nakatitig na agad siya sa uluhan ng pasyente.

Naramdaman ko ang kirot sa pinong kurot ni Mickay sa tagiliran ko. " Ano 'yon friend? Malamang hindi iyon ako," bulong niya sa nanunuksong boses. Nahalata kaya ng lahat iyon?

"Tumigil ka nga Mickay," saway ko sa kanya pinigil ang labi kong mapangiti. Hindi na ako lumingon. At itinutok ang mga mata pabalik sa kanya. Apat silang neuro ngayon ang nasa uluhan ng pasyente. Pero dalawa lang sa kanila ang may microscope, siya at si Doctor Montes.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now