Dedicated to @3173elie3173
Thank you po sa mga nagbigay ng mga mababangong names sa previous chapter. Some of the names will be used on the following chapters.
Chapter Ten
[ Aria's POV]
"Bakit mo ginawa iyon?" I said while Rafael was behind me. " Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa'tin ngayon?" nasapo ko ang ulo ko dahil bigla iyong sumakit. Hindi ako makapagsalita kanina sa sasakyan. I was shocked kung ba't bigla nalang siyang sumulpot doon, and worst sinabi niyang may relasyon kami. For sure Mike was too mad to keep silent. Naiisip ko na ang mukha ni Daddy at Tita Loisa.
Naiiyak akong napaupo. Tinabihan naman ako ni Scott. He was rubbing his head on my legs.
"That scumbag deserves that, Aria. Why do you keep up with that dickhead? Nakakainit ng ulo ang mga sinabi niya. Binabastos kana, " gigil pa niyang sabi at biglang nawala pagbalik niya may nilapag siyang tubig at napatabi sa'kin opposite Scott. "Drink this. I will take care of it kung iyan ang inaalala mo."
"Ang dali lang para sa'yong sabihin iyan! Alam mo ba ang ginagawa ko? I lied to them, Rafael..." nanginginig ang mga labing napatitig ako sa mga mata niya. "K-kumuha ako ng unit para lang pagtakpan ang pagsama ko sayong tumira rito. What will they think of me kapag nalaman nilang may relasyon tayo at sa iisang bahay tayo nakatira? Mas lalong bababa ang tingin nila sa'kin?That I go beyond this low, desperate to convince you? Mas iisisipin nilang wala naman talaga akong utak at kagaya ako ni Mama na profession na ang pagsama sa mga lalaki...na isa rin akong puta at pakawalang babae kagaya niya..." nabasag na ang boses ko nanginginig ang mga kamay na naitakip ko iyon sa mukha ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I wasn't mad at him. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi for making choices like this.
Ayoko 'tong gawin pero ang kagustuhan ni Daddy na kunin siyang doktor ang iniisip ko. Kasi gusto kong tulungan si Daddy. Gusto kong gawin kung anong makapagpasaya sa kanila. Sanay naman na akong hindi nila ako na a-appreciate pero natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Tita Loisa or ni Yuki, ni Inno pati ni Daddy.
Wala kayong pinagkaiba ng Nanay mong puta, Aria.
Isa iyon sa pinakamasakit na narinig ko kay Tita Loisa na ayoko nang marinig. Ang sakit sakit isipin kasi hindi naman iyon totoo. Kung ginusto ko lang matagal na sana dapat akong nag asawa. Naging girlfriend ng kung sinu-sinong lalaki pero hindi dahil sa kanila. Gusto kong patunayang iba ako kay Mama kahit ganito ako, walang talinong maipapantay sa kanila.
I was too tired, hindi ko napigilan kanina pa sumasakit ang mata at lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Lahat naman kinakaya ko mula pa noon pero napapagod rin naman ako. Kumawala ang mga hikbi ko. I had breakdown.
"Aria..."I heard Rafael's soft whisper at pagkuway basta ko nalang naramdaman ang mga kamay niya sa mukha ko. I should have pulled it away dahil sa nakakapasong init na nagmumula roon pero hindi ko nagawa."I'm sorry..." he softly carressed my hands at hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa marahan niya iyong kinuha at pinagsalikod sa mga kamay niya, his fingers were softly working to caress my hands as if he was doing it to comfort me. Lalo tuloy akong napaiyak at napahagulhol. His hands were so soft and warm and it brought me an unexplainable comfort. It was serene and peaceful.
Ayaw ko mang aminin pero masarap sa pakiramdam. No one had comforted me like this before. Kahit na iyong dalawang naging ex ko dati.
Hindi ako makatingin sa kanya kasi nahihiya ako. Rafael was so over the top an achiever a Stanford grad that's also equivalent to Ivy league for pete's sake! Napakagaling na neurosurgeon. While me? I didn't even pass my physician licensure examination. Nakakaintimidate. Nakakapangliit.
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.