Chapter Thirty Four
[Aria's POV]
"Thank you, Sir. Pasensiya na if in anyway hindi ko naabot ang expectation niyo. It's a short time at maari pa talaga akong mag extend."
" No, you did great Miss Sato. Sana ay mapagpasensiyahan mo na ang mga tao rito," nagulat ako sa sinabing iyon ni Sir Luis. Kung gano'n ay naka abot sa kanya ang mga tsismis. " I hope to see you there on our meetings. You should be there. Mas kailangan ka roon kaya kana pinapa transfer ni Sir Hiroshi."
"Thank you, Sir Luis."
I was relieved that I'm going to leave na okay kami ng boss dito. After Rafael came here unannounced, himala ring hindi ko na masyadong naririnig ang mga panlalait ng grupo ni Analou na harap harapan. I don't know if they've stop or they were just doing it discreetly ngayon na alam na nila ang totoo.
Pumasok ako sa office, nakaligpit na ang kaunting gamit ko kaya kinuha ko na iyon. Out of courtesy kasi ayaw kong maging bitter kagaya ng mga kasama ko sa opisinang 'to ay nagpaalam pa rin ako.
Dad asked me to meet him at his office kaya doon na ako dumeretso matapos. I mentally prepared myself dahil baka naroon na si Tita Loisa.
Hindi ko alam kung anong dahilan nilang pagbalik muli sa posisyon ko. Kung napakiusapan ni Daddy si Tita Loisa o kung mayroon pang iba ihahanda ko ang sarili ko. Mahal ko ang trabaho ko sa Fujima pero ayaw ko nang makarinig ng pang i-insulto kay Tita Loisa. Kung hindi bukal sa loob niya at may pagtutol pa rin ay hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko.
The examination result will be out this week. I must look forward to it with a positive disposition.
Papalabas ako sa parking lot at papunta sa elevator nang mabistahan ko si Mike na roon din ang punta and he was holding hands with Doctor Madrigal pero pasimple iyong binitawan nang makita ako.
Napangiti ako kay Doctora Madrigal at alanganin naman niya akong sinuklian ng ngiti. She's a young OB-Gyne doctor and seems nice. Sana ay maayos ang trato sa kanya ni Mike.
Thinking about a past of Rafael that involves Mike and some doctors hindi ko pa rin maiwasang mapagdudahan ang nangyari noon.
I don't personally know those people but I had encountered some of them and if I have to weigh based on their personalities mas mapaniniwalaan kong hindi totoo ang bintang kay Rafael hindi dahil mahal ko siya kundi dahil simula palang nararamdaman ko na ang pagkatao niya.
Parang may kung anong bigat at sakit na nakadagan sa dibdib ko maisipan ko palang ang pinagdaanan niya sa mga nagdaang taon. I don't know how a young man like him has to carry all that, the fear of be expelled in med school and not reaching your dream-- the dream that you're most passionate about, having to face multiple cases, and bear the accusation of the woman he loves and to accept her death after that.
Kaya kung minsan hindi ko man gustong isipin at ayaw kong pagdudahan ang pag mamahal niya sa'kin pero naiisip ko if nakamove on na ba talaga siya ng buong buo mula sa babaeng iyon. Kasi pa'no niya rin buong maibibigay ang pagmamahal niya sa'kin kung may natira pa?
Does she still cross his mind? Ano iyong mga gusto niyang sabihin sa'kin?
" Good afternoon! Thank you, Miss Sato," si Doc Madrigal matapos kong bitawan ang buton para mapirmi iyon sa pagbukas nang makapasok sa sila.
YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.