Chapter Thirty-Six

2.5K 99 16
                                    

Chapter Thirty-Six


[Aria's POV]

"Ano bang nangyari Vince?" lito ko paring tanong kahit nakasakay na sa kotse.

"Sa tingin ko po Ma'am wala po ako sa posisyon para magpaliwanag pero sobra po iyong nag alala Ma'am kasi hindi kayo ma contact. Inutos niya kasi sa'kin itong mga bulaklak na i pick up tapos si Jun papunta palang para sana bantayan kayo kaso hindi na kayo naabutan sa apartment. Naka pagsabi ang guard sa apartment na umalis kayo sa ganoong oras pero hindi alam kung saan. Tumawag pa kami sa agency para ma trace ang kotse niyo Ma'am at malocate kayo," paliwanag ni Vince na ikinagulat ko.

"Bakit niyo naman ako babantayan Vince? Have you been following me all this time?"

Hindi nakasagot si Vince.

"Vince?"

"Ma'am utos lang po ni Sir."

"Bakit Vince para saan?"

" Ma'am mas mabuti po kayo nalang ni Sir ang mag usap."

Hindi ako nakinig. " Anong klaseng pagbabantay ang ginagawa niyo ha, Vince?"

Bumuntong hininga si Vince. " Sa seguridad lang po Ma'am."

" Bakit may threat ba ako?"

" Nag iingat lang po si Sir mula nung mabaril siya Ma'am."

Nakababa na ako sa sasakyan at nakapasok sa apartment pero litong lito pa rin ang pakiramdam ko.

Is there still a threat in Rafael's life? Kung nag iingat siya dapat sarili niya ang pinapabantayan niya, hindi ako.

Lalong nagsikip ang dibdib ko. He went to the bar to look for me! Nagkataon lang bang naroon din si Hannah?

Nasapo ko ang ulo ko.

Matapos ko pang tingnan ang nabuksan kong tab sa laptop ko kanina ay nanlalatang isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Tuluyan na akong nanlumo. I thought about Rafael.

I opened the result of last years PLE passers kaya pala hindi ko nakita ang pangalan ko.

Oh! Ano ba ang nagawa ko? Aminado naman akong maypagkatanga ako but I took it to another level.

Doktor na nga ako pero hindi ko makuhang sumaya dahil sa nangyari.

Inabot ko kaagad ang cellphone ko at ini on iyon. Bumungad kaagad sa'kin ang sobrang daming missed calls at messages mula kay Rafael. There was also from Miss Jing congratulating me.

They were the only person who knew that I took the exam. I could have celebrated this today with Rafael but this happened. My frustration had build up at sa kanya ko iyon nailabas.

How am I going to talk to Rafael now?

What about Hannah?

Magdamag akong nag isip at walang maayos na tulog. I couldn't even get to call and text him dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I pulled out to wear a white sleeveless dress para manlang kahit sa damit maibsan and bigat na nararamdaman ko.

I felt like I needed to see Hannah. May iilan akong kailangang sabihin at klaruhin sa babaeng iyon.

And the thing was, alam kong magkikita kami ni Rafael ngayon dahil may meeting kasama ang board at heads ng ospital tungkol sa entire surgery department. All the surgeons will probably be there.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now