Chapter Six

3.2K 104 24
                                    

Chapter Six

This story is for mature readers only. You've been warned at the beginning.

[Aria's POV]

SOBRA ang kabog ng puso ko nang ma unlock ko na ang code. Luckily, wala si Rafael doon kaya baka di niya narinig na nag click ang pinto. The living room was nowhere near a home it was like a gallery of art. Cassie said this was Kayden's pero hindi na nito ginagamit. Parang nakikita ko na tuloy personality ng Kuya niya.

I was breathing in and out clasping my hands together habang naka tayo sa gitna ng sala hoping that Rafael will come out soon. Iniisip ko na ang gagawin ko kung pa'no magmamakaawa. Alam kong mag mumukha akong tanga pero gagawin ko ang lahat para lang maging proud si Dad at Tita Loisa sa'kin. Wala pa akong ginawa na naging tama sa kanila. Baka ito narin ang pagkakataon kong makabuo na ng sarili kong pamilya. Habang tinitingnan ko ang mga kapatid ni Rafael at ang mga asawa at anak nila hindi na maalis sa isip ko na sana magkaroon rin ako ng gaya ng sa kanila. Pangarap ko lang talaga noong maging housewife at mag alaga ng pamilya. Pero hindi ko tinutukan ang pag la-love life dahil natatakot akong ma pagsalitaan muli na kagaya lang ako ni Mama. Puro disappointment lang kasi para sa kanila ang nagawa ko.

Marami akong mga manliligaw pero hindi ko masagot sagot. Nariyan si Alexander na may pagka conceited at tingin sa sarili niya lagi ay tama pero mapagtitigaan ko naman. Si Mike na matagal narin nanliligaw sa'kin. Matalino rin naman at may itsura. Tuwing napapa-oo ako sa pag aaya niyang lumabas siya lagi ang nasusunod pero okay narin para sa'kin. If maging successful itong gagawin kong pakiusap kay Doctor Montero baka pwede na akong mamili sa kanila. Hindi na ako bumabata at high risk narin akong magbuntis. Hindi na ako mamimili. Kahit anakan na ngalang nila ako.

I prayed, hoping that God will show me some mercy pero mahigit isang oras na yata hindi parin lumabas ang lalaki. Mas lalong tumindi ang kaba ko. Maya maya may narinig na akong tunog sa kwarto. Tapos parang may gamit na natabig.

"Fuck!" rinig ko at pagkuway taranta akong napatakbo sa likod ng leather sofa sa harap ko at nagtago roon. Bigla na namang nanghina ang mga tuhod ko at parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Mukhang bad trip siya.

Pero kaya ko 'to. I breathed in and breathed out na nakapikit bago tumayo pero ang hubad niyang likod ang bumungad sa'kin. Bigla akong parang naparalisa sa kinatatayuan. Even Doctor Rafael Montero's back was magnificently beautiful. Basa pa ang tangkay ng buhok niya na halatang kakaligo lang. Kakaiba talaga ang tindig at dating niya. His body from behind was toned and well built. Naglakbay ang tigin ko sa baba at tanging boxers lang ang suot niya. He really has long limbs, parang ang sarap makulong sa mga braso at paa niya.

Wait? Where did those thoughts come from? Kinurot ko uli ang sarili ko. There was no way! I don't like his guts and he was young!

Parang frustrated na pinadaan niya ang isang kamay sa ulo, ang kaliwang kamay ay may bitbit at pagkuway pumasok ito at nagtuloy tuloy sa kusina iniwang nakabukas ang pinto. Paika ika at maingat akong sumunod roon at nagtago sa gilid malapit sa pinto, sakto lang na masisilip ko pa rin siya.

Magsasalita na ba ako?

I was about to open my mouth nang marahas niyang ipinatong ang baso ng tubig sa counter. Halos matapon na ang tubig na laman. Mahigpit niyang hawak ang nakikita ko na ngayong parang lalagyan ng gamot pero wala itong label. Parang lalagyan ng Vitamins pero parang kinakabahan ako sa pinakita niyang ugali. Ano iyang hawak niya? Magagalit ka ba ng ganyan kung iinom kalang ng vitamins?

Iba ang pakiramdam ko diyan sa hawak niya. Lalo at walang label.

He looked at it for sometime at pagkuway marahas ulit iyong nilapag at sobrang lutong na napamura. Napasinghap ako sa gulat buti natakpan ko agad ang bibig ko. Napasabunot siya sa buhok niya at umikot sa counter akmang lalabas.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now