Chapter Twenty Four
Sorry po sa matagal niyong paghihintay. I wanted to put Rafael's POV pero sa next chapter nalang kasi masyadong na atang mahaba. Sorry sa typos di ako maka pag proofread, kaya next time nalang.
Sometime years ago
[Ann's POV]
" Ann, bilisan mo diyan. Daluhan mo ang mga customer sa table twenty," sabi ni Dolores na kasama kong waitress dito sa bar.
Napahinga ako ng malalim at ibinigay sa bar tender ang order ng table three saka ko pinuntahan ang table twenty. Halos mapabalik ako nang makita ko kung sino ang mga nakaupo roon. Pero huli na para gawin ko iyon dahil nagkatitigan na kami sa mata ni Russel Hechanova, katabi niya si Rufus Zubiri, at Nathaniel Pierre Tavera. Kasama rin niya roon sila Apollo Montilla, Michael Angelo Sandejas at si Juancho de Asis. Kilala ko sila dahil anak si Rufus Zubiri ng Chairman ng University na pinapasukan ko at balita ko'y mga anak rin ng mga mai-empluwensiyang tao at magagaling at sikat na doctor ang mga kaibigan niya. They're about to enter their senior year in medicine at ako'y mag si-second year at ginagapang ang lahat ng gastusin para ito maitawid. I came from a different school on my first year pero nagkaproblema ako roon at maswerte akong tinanggap rito na regular.
Sawa na ako sa kahirapan at ayaw kong mamuhay na walang propesyon. Pwede naman akong mag aral ng mas murang kurso pero ito ang pinili ko. Mataas ang ambisyon ko. I wonder kung bakit sila narito? Are they celebrating or regular sila rito? I'm barely a week working in this bar.
Sinubukan ko ang pag wi-waiter na pasukin kaiba sa isa una kong trabaho na komplikado. Na iniiwasan ko na. Siguro mag hahanap nalang ako ng ibang paraan para matustusan ang financial ko.
Lumapit ako. Siguro naman hindi nila ako kilala, lalo na at magkaiba kami ng taon at makapal ang make-up ko.
"Good evening gentlemen, may I take your order?" pinalamyos ko ang boses ko at inalis na ang mata kay Russel. Nagsipaglingunan ang mga kasama niyang napatitig sa'kin. One thing that I learned from this life is to know how to use your beauty to your advantage. Kailangan para sa pangarap.
Malaswang napatingin ni Pierre Tavera sakin. "Give us a bottle of Remi Martin with ice, babe. And when you come back I want you here," he tapped the space beside him buong kumpyansang napangisi.
" Right away, Sir. But I'm not allowed to join you. Marami pong customer if you want we have entertainers you can table. Excuse me," I said politely as I could bago tumalikod pero may pinahabol na order si Russel. Matapos iyon binigay ko na sa bar ang order nila.
"So you're working here?"
Halos napalundag ako nang marinig ang boses na iyon. It was Russel Hechanova.
"I often see you in the University," sabi niyang ibinulong iyon sa tenga ko. Kinilabutan ako.
At iyon ang naging simula. Alam kong hindi dapat akong makipag relasyon pero gusto ko nang umiwas sa isang tao. Siguro kapag nalaman niyang may boyfriend na ako titigil na siya. I don't do relationship sa klase ng trabaho ko. Ayokong maugnay sa kanya but I was force to do it kaya pinagbigyan ko ang sarili ko sa kanya. Mapilit si Russel. He won't say no for an answer. At lagi niya akong sinusundan. Kaya napilitan akong sagutin siya sa kabila ng takot ko at pangamba. He seems okay at first. Hindi ko alam na lubos lubos ko iyong pagsisihan.
Of all people siya pala ang dapat kong iniwasan. Of all people siya ang hindi dapat ako magkaroon ng relasyon. At kalakip pa nang pagkakakilala ko sa kanya at sa mga kaibigan niya ang bangungot na ginawa nila sa'kin.

YOU ARE READING
Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Rafael Alessandro Montero's Story) A high-caliber brilliant doctor yet hides a dark secret underneath his white coat. I do not own the photo. Credits to the rightful owner.