Chapter Twenty One

3.6K 123 11
                                    

Chapter Twenty One

[Aria's POV]

"Si Dad, Manang Lu?" nginitian ko si Manang habang hawak ko sa kamay ang ginawa kong paboritong sushi ni Daddy.

"Nasa patio nagbabasa." Inabutan ako ni Manang ng plato at inilipat ko ang ilang sushi roon para kay Daddy.

Bumuntong hininga si Manang. "May nagawa kana na naman ba? Ikaw lagi ang topic ng Tita Loisa mo sa hapag."

"Manang hindi na kayo nasanay do'n," ngumiti ako nang masiguradong maayos na nakahilera ang mga sushi. Itinabi ni Manang sa tray ang tinimpla niyang kape. "Dalhin ko muna 'to kay daddy. Salamat Manang Lu."

Hindi ako nagtext na uuwi ako ngayon. Alam kong masama ang loob nila sa'kin. Hindi kami nag kausap ni Daddy ng personal simula ng mga may nangyari sa ospital na halos involved lahat si Rafael. Gusto ko lang makausap si Daddy at bahagyang mag lambing. Sinadya kong umuwi ngayon na hindi nag anunsiyo kay Manang Lu.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa patio. Nakikita ko na si daddy mula sa naka bukas na glass door. Naka upo ito sa rattan chair nakatalikod sa'kin pero may kausap sa cellphone.

Huminto muna ako sa likod ni dad para hindi siya maistorbo.

" Hindi ko alam kung anong meron sa kanila. Pero tuwing nagkikita sila palaging may namumuong tensiyon. I want you to gather information and investigate about them lalo na si Doctor Montero. I think something happened between them during their med school days bago siya tumungo ng Amerika para roon mag aral. Kalkalin mo ang pwede mong makalkal tungkol sa kanya. Alamin mo kung may nangyari ba noon sa University na pinasukan niya rito sa Pilipinas. Nagdududa lang ako kasi itong si Doctor Nathaniel Pierre Tavera, si Attorney Russel Hechanova at ngayon ay si Doctor Apollo Montilla ay mukhang pare parehong may involvement sa kanya. These doctors are also an alumni of the same University."

Napahinto si Daddy.

" Ayokong ma involved ang ospital kung meron man silang masasamang nagawa o issue noon. Doctor Montero is one of our top surgeons but he's too hard headed. Hindi mo pwedeng kontrolin ang batang iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin nag pa pa interview sa media kaya kung ano-anong kwento ang ginagawa nila tungkol sa kanya at na i-involved ang credibility ng ospital natin. Baka may makalkal ang media tungkol sa kanya na pwedeng ikasira ng imahe ng ospital natin.

"Yes, we can take advantage of the publicity dahil mas nakikilala ang ospital natin pero sana lang ay walang magiging kaguluhan between these doctors at ng media. Lalo na at parehong high profile at galing sa premira klaseng mga pamilya ang mga doktor na 'to.

" He still is our top paid surgeon dahil sa perang pinapasok niya...

"Iyon na nga successful ang operasyon. I did a presscon already at magpapa-presscon ako once na nagising na si Senator Hechanova.

"Well, sabagay maganda nga naman itong publicity sa ospital natin. Bueno, Hector, balitaan mo nalang ako. I might use those information later on to tame that young boy. Masyadong matapang at kailangan nating putulan ng buntot."

" What are you doing here ha, Aria?" napapitlag ako nang marinig ang matigas na boses ni Tita Loisa pero pinanatili kong kalmante ang disposisyon ko. Doon naman napalingon si Daddy sa gawi ko. "Ang lakas ng loob mong magpakita rito pagkatapos ng ginawa mong pagpapahiya sa'min kay Doctor Montero?"

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now