Chapter Twenty Seven

2.8K 99 14
                                    


Proofread ko nalang ulit if my time. I only used my phone lang kasi. Thanks!

Chapter Twenty Seven

[Aria's POV]

NANGINGINIG kong nasapo ang ulo ko habang inaayos ni Rafael ang skirt ko. What have I done? Lalo ko lang siyang pinahamak pati ang sarili ko!

Now we're doomed! Paano pag nakarating ito kay Daddy or worst kay Tita Loisa at sa board? What happened to me? I was old enough to be reckless... and to engage in this kind of scandal? Nakakahiya ako.

"Stop it, Rafael. I'm okay..." napalayo ako at bahagya siyang tinulak nang akma niyang hahawakan ang mukha ko. I was still heaving out at napabuga pa ng malalim na hininga. I look at him helplessly at may pagkalito pero parang kalmado lang siya.

"I'll take care of this, Aria. Huwag kanang mag aalala," he said reassuringly sa malambing na boses ang mata'y naninigurado. Hindi na siya nagpumilit pang hawakan ako.

"I should leave," bigla ko nalang nasabi sa kalituhan at nagmamadali nang lumabas.

Sapo ko pa rin ang ulo ko nang makapasok ako sa opisina ko. Nakalimot na naman ako. Worst, may nakahuli pa sa'min sa ganoong tagpo.

What if mag sumbong si Doctor Sarmiento?

"Ma'am Yu, may nagpadala po galing sa cafeteria. Kumain na raw po kayo," nilapag ni Jessa and grilled chicken na may kasamang egg at salad. "Okay lang po kayo?"

Tumango ako. "Salamat Jes," wala sa loob kong sabi at napatitig kay Jessa. Iniisip kong pati rin ba siya nagdududa sa kung anong relasyon namin ni Rafael? Alam kong may idea na siya kung kanino galing 'to. Pero wala namang sinasabi si Jessa. And I know her. Wala akong sini share sa kanya na nakakaabot sa labas.

I was just worried about Doctor Sarmiento.

I talked to Doctor Sarmiento. It's okay, baby. Kumain kana.

His text gave me relief  pero parang bigla na akong natakot. I worry for him a lot lately kaya hindi na ako nakakapag isip ng matino idagdag pang miss na miss ko na siya. I should have to guard my emotion at all times lalo na tuwing nasasabik akong makita siya. Palagi akong nakakalimot. I am even worst than a teenager for goodness sake! People were already speculating dinagdagan pa kanina nang buhatin niya ako sa chamber.

Di kaya madaling napakiusapan si Doctor Sarmiento dahil may ugnayan sila ng babae? Naiisip ko pa rin if totoo ngang kaibigan niya iyong narinig ko nang tumawag ako. I knew I heard a woman's voice. Malandi pa nga.

Gosh, I'm going crazy.

It was all in my head until it was time to leave. Parang ang dami daming nangyari sa'kin ngayong araw. Ni hindi ko halos nagalaw ang pagkain kaya nailagay ko lang iyon sa fridge.

"Hinihintay kana ng Tita Loisa mo sa office ng Daddy mo," salubong agad ni Manang Lulu sa'kin sa bukana ng bahay. May kung anong pagtatanong na napatitig siya sa mga mata ko.

 I heaved out, tinanguan si Manang at doon na dumeretso. Alam kong itatanong ni Tita Loisa ang nangyari kanina at ayaw ko man, wala akong choice kundi i-deny ang namamagitan sa'min ni Rafael.

Sa pagod ko parang wala na akong kabang nakakapa sa dibdib ko. Sanay na ako sa mga salita ni Tita Loisa. Ang gusto ko nalang matapos na ang araw na 'to para makapagpahinga.

Pero pagpasok ko hindi lang si Tita Loisa ang naroon kundi si Yuki at Daddy!

Matalim ang titig ni Daddy sa'kin na parang may panunumbat samantalang si  Yuki at Tita Loisa ay may pagka suklam at gigil akong tiningnan.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now