Chapter Twenty Nine

2.8K 130 29
                                    

Chapter Twenty Nine

[ Aria's POV]

PARANG lalo akong nanghina habang dinadama ko ang init ng yakap ni Rafael. I instantly melted in his arms. His arms and warmth that I have missed so much. Pero sa gitna ng bigat at panghihina, parang nakakuha ako ng lakas mula sa kanya. Pakiramdam ko hindi na muli ako nag iisa.

I felt him lift my weight into his arms habang nakabaon lang ang mukha ko sa dibdib niya. Umangat ako sa ere. I heard the door of the car open pero nakayapos pa rin ang mga bisig niya sa katawan ko. He held my head into his chest, still tenderly caressing my hair nang maramdaman kong parang nakaupo na kami habang naka kandong ako sa kanya.

This time he pulled me even closer to a tight hug habang hinalik halikan ang ulo ko, hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak. Halos hindi ko na nga maibuka ng maayos ang mga mata ko sa bigat. Ramdam ko ang matinding pagod ko sa buong araw. I wasn't just drained physically but emotionally, too.

Pagod ako pero tila ayaw ng isip kong umidlip. Ayoko, dahil gusto kong sulitin ang pakiramdam na ganito sa bisig ng lalaking mahal ko.

All my life I never felt so accepted, mula pa kay Mama sa Japan na walang pag dadalawang isip na ibinigay agad ako kay Daddy. Naiinis man ako sa trabaho ni Mama, nagagalit ako sa mabilis niyang pagpapalit palit ng lalaki pero hindi ko ginusto ang ginawa niyang pag iwan sa'kin.

Masakit ang loob ko pero hindi maitatanggi ng murang isip ko noon ang kagustuhang magkaroon ng totoong pamilya. Kaya naman ginawa ko ang lahat para matanggap ako ng pamilya ni Daddy. Pero ang hirap hirap pala nilang pakisamahan lalo na ang maabot ang expectations nila ng isang tulad ko.

Para akong batang kahit ngayon naghahangad pa rin na sana tapunan nila ng kaonting appreciation, ng kahit kaonting pagtanggap at pagmamahal.

Kung pwede lang dito nalang ako. Sana dito nalang ako habang buhay.

Mahal na mahal ko si Rafael.

Sa kanya lang ako nakaramdam ng ibayong kaginhawaan na gaya nito simula noon. Pero hindi ko siya minahal dahil dito, hindi dahil sa hindi niya paghusga sa kapasidad ko o dahil sa pagtanggap niya kung ano ako, o sa hindi niya pang mamaliit sa'kin pero dahil kaya niyang iparamdam sa'kin lahat. Lahat ng masasarap na pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. At lahat rin ng masakit na kayang kaya kong tanggapin. Kahit hindi pa naman niya ako sinaktan sa kagustuhan niya. Kaya kahit anong paninira ang marinig ko sa kanya hindi ko makuhang mapaniwalaan. I have truly felt his soul since that first night na nakasama ko siya.

Kung meron mang magandang naidulot ang pagiging sunod sunuran ko sa pamilya ko, ay siya iyon.

I felt even stupid at first for desperately chasing him and asking him to work for us pero hindi ko pinagsisihan iyon.

I will do it over and over again in a heartbeat kahit na supladuhan pa niya ako at pagmatigasan ng paulit ulit.

Parang gusto kong matawa sa naiisip ko ngayon.

Napadiin lalo ang pagbaon ko sa dibdib niya at naramdaman ko ang unti unting pagbilis ng tibok ng puso niya. Ang mga labi niya'y nakadikit na sa tenga ko. Mahal pa rin ako ng nasa Itaas dahil nandito si Rafael.

Mahal na mahal kita, muntik ko nang sabihin.

"I love you, Aria..."he whispered softly.

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now