Ilang minuto na ba akong nakatulala lang sa kisame? Geez. Wala man lang pumapasok sa isip ko kahit isang scenario. Kanina ko pa pinipiga iyong utak ko para lang makaisip ng magandang scene pero bakit hanggang ngayon stuck pa rin ako sa last chapter?
"Tulala ka nanaman. Writer's block?" Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng anti-radiation glass at naka-bun ang buhok habang may binabasang libro. Sinulyapan niya ako at pinagtaasan ng dalawang kilay nang hindi binababa ang librong hawak.
"Feeling ko pigang piga na iyong utak ko." Hinilot ko ang sentido saka pabagsak na sinara ang laptop at sumandal sa kinauupuan.
"Bakit ba kasi pinapagod mo iyong sarili mo sa kakasulat diyan e hindi naman ikaw ang nakakatanggap ng recognition kundi iyang pinsan mo," panenermon ni Aya, ang ka-dorm slash best friend ko.
Kakakilala ko pa lang kay Aya pero komportable na akong i-share sa kanya ang mga secrets ko. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan at may mga bagay rin kaming napagkakasunduan kaya nag-click agad ang friendship namin. Mabuti na lang. Kabado kasi ako no'n sa magiging room mate ko dahil baka hindi ko makasundo. Destiny talaga na si Aya ang naging ka-dorm ko.
"Kailangan na kasi niyang mag-update ngayon. Nasa quota ng story ko na three times a week dapat mag-update. Dalawang beses pa lang ako nakakapag-update at linggo na bukas kaya nap-pressure tuloy ako."
"Bakit ba kasi pumayag ka sa gano'ng set up? Hindi ba naiintindihan niyang pinsan mo na may sarili ka ring buhay at nag-aaral ka? Kung maka-three times a week update naman 'yan akala mo siya nagsusulat," gigil niyang saad. "Bakit ba kasi hindi mo pa itigil 'yan?
Kung puwede lang sana, e. Bakit ba kasi mahirap maging mahirap? Parang wala kang karapatan magdesisyon para sa sarili mo dahil may taong kumo-kontrol sa 'yo. Kung wala lang sana akong utang na loob sa pinsan ko ay hindi naman ako papayag na maging ghost writer niya.
Dahil sa pamilya ni Guinelle ay nakakapag-aral ako ngayon. Doon din nagta-trabaho si mama bilang katulong dahil bata pa lang ako ay wala na ang papa ko. Utang na loob namin sa pamilya ni Guinelle kung bakit maayos ang buhay namin ngayon. At bilang kabayaran sa utang na loob na 'yon ay pumayag ako sa request niya na maging ghost writer. Pangarap kasi naming parehas iyon.
Ang makapagsulat ng kuwento.
Noong una ayos lang naman sa 'kin dahil gustong gusto ko rin ang pagsusulat. Pero hindi ko naman in-expect na papatok sa masa at makukuha ang storyang sinulat ko sa isang publishing house at maging ganap na ngang libro. Simula no'n, finorce na ako ni Guinelle na magsulat pa ng maraming libro habang patuloy siyang sumisikat dahil sa gawa ko.
Nakakapagod.
Pero sa tuwing nakakatanggap ng papuri ang mga gawa ko mula sa mga fans ni Guinelle ay natutuwa ako at namomotivate na gumawa pa ng mga kuwento para sa kanila.
Dahil wala talaga akong masulat ngayon ay niyaya na lang ako ni Aya na lumabas at kumain ng ice cream sa labas. Hinintay ko pa siya saglit kasi nagpalit siya ng damit at inayos ang mga librong ginamit niya kanina.
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
Chick-LitDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...