"Wow! Saan ka nakakuha ng ganito? Diba ire-release pa lang 'to next month?" Manghang tanong ni Kaizo nang iabot ko sa kanya iyong bagong libro ni Guinelle.
Next month pa talaga iyong launching ng libro pero may mga naka-print na kaya nanghingi na agad ako kay Guinelle. Nabulyawan pa ako ni Guinelle dahil sa librong 'yan. Ako naman sumulat n'yan! Kung hindi ako nagsulat para sa kanya wala sana siyang career ngayon. Kotongan ko kaya siya!
Dalawa iyong kinuha ko. Isa kay Aya at isa sa kanya. Bibili na lang siguro ako ng para sa 'kin ka na-launch na.
"San mo 'to nakuha?" Pagungulit niya.
I was caught off guard. Masyado kasi akong na-excite na makita ang reaction nya pagkakita ng libro kaya hindi na pumasok sa isip ko kung anong isasagot kapag nagtanong siya.
Geez. Ano ng sasabihin ko sa kanya ngayon?
Gusto ko lang kasi ulit makita iyong kislap sa mata at mangha sa mukha niya habang pinagmamasdan iyong libro ko kasi it gives happiness to my heart. Parang nagkakaroon ako ng inspirasyon na magsulat ng maraming libro kapag nakikita ko iyong feedbacks ng mga readers na nagagandahan sa akda ko. AndKaizo is like a representaive of my readers, that's why I want to spoil him with all my books.
Umiwas ako ng tingin. "M-may nakita lang akong seller s-sa... s-sa IG kaya nag-order ako agad," sagot ko.
Lalo siyang lumapit sa akin habang yakap ang libro. "Anong pangalan ng shop?" Kumunot ang noo niya at tumingala, tila iniisip kung aling shop pa ang hindi niya na-follow sa IG. "Naghanap kasi ako kagabi ng nagpe-pre order pero wala naman akong nahanap."
Tumayo na ako agad at lumayo sa kanya. Sinilip ko ang relo at saka pilit na ngumiti sa kanya. "May klase na ako. I-ikaw? HIndi ka pa babalik sa room niyo?"
Nasa Gazeebo kasi kami. Nakakapagtaka nga kasi mag-isa lang siya rito nang datnan ko tapos wala naman siyang ginagawa. Nakatulala lang at parang ang lalim ng iniisip niya.
Nagmadali na akong umalis at bumalik sa room. Kung magtatagal kasi ako ro'n ay alam kong kukulitin lang niya ako kung saan ko nakuha ang libro. Hindi ko na kaya magsinungaling pa lalo dahil baka may masabi ako na ikapahamak ko rin sa dulo. Baka mamaya ay ma-reveal pa iyong totoo.
Pagtapos ng klase ay nagyaya sila Topher na mag-milktea at mag-Manila bay pero tumanggi muna ako. Baka mangulit nanaman kasi si Kaizo. Naagsulat na lang ako maghapon sa dorm dahil wala si Aya at natulog saglit.
Kinabukasan, dumiretso ako ng library para maghanap ng medical books. Gusto kong gumawa naman ng libro na tungkol sa doctor naman ang bida. Subukan ko rin kaya ang r+18 stories? Kaso baka ayaw ni Guinelle. Saka kailangan ko pang mag-research para maayos kong mai-execute ang lesson. Baka kasi mamaya ma-impluwensiyahan ang iba sa mga bed scene at isipin nilang normal lang 'yon basta may kaunting knowledge ka na. I want to teach my readers na hindi lang tungkol sa pleasure at love ang bed scenes dahil may kaakibat din 'yong responsibilidad at may mga bagay rin na dapat isa-alang alang. Aba! Hindi lang dapat basta pasok nang pasok ano!
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
ChickLitDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...