Special Chapter

2 2 0
                                    

"Happy Anniversary, guys!" sigaw ni Aya kasabay ng pagputok ng confetti sa kamay niya. "Akalain niyong umabot tayo ng 2 years na kumpleto pa rin no?" dagdag niya.

Nandito kami ngayon sa Cavite. Sa resort kung saan namin unang cinelebrate iyong birthday ni Julius bilang isang squad. Actually hindi talaga namin alam iyong exact date kung kailan nabuo iyong squad namin kaya nag-isip na lang kami ng date kung kailan kami free lahat para makapagcelebrate. Madaya nga si Aya dahil sinakto niya rin sa anniversary nila ni Christopher ang celebration.

"Akalain mong natagalan ka ni Tophe?" pang-aasar ni Julius. Sinamaan siya ng tingin ni Aya at aambahang babatuhin noong lagayan ng confetti pero mabilis nang nakalapit si Tophe para pigilan si Aya sa pagiging bayolente.

"Hayaan mo na 'yan, love. Wala lang iyang jowa kaya ganyan kabitter sa 'tin 'yan," bulong ni Tophe na rinig naman naming lahat.

Nanlaki ang mata ni Julius, "H-hoy! Akala niyo lang wala akong jowa. Wait niyo lang. huh!" sabi niya.

"Bakit? Nililigawan mo pa rin ba iyong kaklase nating transferee? Yuck pre diba binasted kana no'n last year? Tibay ng buto mo ah!" pang-aasar ni Kaizo na muling ikinatawa naming lahat maliban kay Julius na asar talo na.

"Binasted ka pala kaya ka bitter, e! Hayaan mo rereto na lang kita kay Juliana. Crush ka no'n, e!" sabi ni Aya.

"Mamatay na lang ako." Nakabusangot na saad ni Julius.

Si Juliana iyong kaklase ni Aya na palaging sumasama sa kaniya sa tuwing tatambay kami sa Gazeebo dahil gusto niyang masilayan si Julius. She's actually nice pero gaya ni Aya ay mapanakit din ito at laging bugbog sarado iyong tatlong itlog sa kaniya. Paano ba kasi ay palagi rin naman nilang inaasar iyon. Ewan ko rin ba kay Julius kung bakit hindi niya trip si Juliana gayong maganda rin naman ito. Siya nga ang muse ng department nila Aya, e!

Tatlong araw kaming nagstay doon sa resort hanggang sa bumalik sa Manila para asikasuhin ang graduation namin next month. Buti na lang din at safe kaming lahat na nakauwi kasi may sabi sabi na kapag graduating na raw iyong mga estudyante ay malapit sa aksidente. Iyon nga rin iyong dahilan kung bakit nagdadalawang isip kaming magcelebrate nung una, pero dahil makulit iyong mga itlog at nagpromise silang magbebehave ay pumayag kami. Pinaalalahanan lang namin silang mag-ingat lalo na sa tuwing maliligo.

"Anong oras ba darating iyang pinsan mo? Akala ko ba sabay kayong pupunta sa event?" tanong ni Aya habang inaayos ang buhok ko.

Oo nga pala. Ilang buwan matapos ang issue ay nakipagkita sa akin si Guinelle para humingi ng tawad at makipag-ayos. Wala naman kasing point kung magagalit ako sa kaniya kasi sa totoo lang ay naiintindihan ko naman siya. Ngayon ay parehas na kaming writer. Nag-aral siya magsulat. Sinasama nga rin niya ako noon sa mga workshops at seminars na pinupuntahan niya para lang matutong magsulat. Last year lang siya ulit bumalik sa pagsusulat.

Si Aya naman ay dito na nakatira sa bahay namin. Ayaw ko naman kasing iwan siya sa dorm dahil mag-isa na lang siya ro'n kaya pinilit ko talaga siya hanggang sa um-oo na rin dahil hindi niya raw kayang mag-isa sa dorm at mamimiss niya ako. Si mommy naman ay busy sa pag-aayos ng kumpanya. She's in New York now for a business at kakatawag niya lang sa akin kanina to update me on her whereabouts.

Pagtapos akong ayusan ni Aya ay sakto namang tumunog ang phone ko. Si Guinelle. Traffic pala sa dinaanan niya kaya pinapauna na ako sa event.

"Bakit kasi hindi niya inagahan pagpunta?" komento ni Aya. Tinulungan ko siya sa pagliligpit ng mga ginamit namin sa pag-aayos.

Published Author na rin ngayon si Aya at same lang kami ng Publishing house na pinagtatrabahuan. Bukod doon ay may maliit din siyang business na pinagkakaabalahan kaya hindi siya masyadong hands on sa pagsusulat.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon