1

26 9 13
                                    

"I'm her fan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'm her fan. Sayang nga lang dahil hindi ko siya nakita. May pirma na kasi 'tong librong binigay mo, e."

Tinitigan niya iyong libro tapos ay napangiti. Sumulyap siya ulit sa 'kin. "Pero don't get me wrong ha? Hindi ko naman ini-invalidate iyong effort mo. Nanghihinayang lang ako kasi first time ko na sana siyang makikita ng personal."

Ganito pala kasarap sa feeling kapag naririnig mo kung paano hangaan ng mga tao iyong akda mo 'no?

Paano kaya kung ako iyong nasa posisyon ni Guinelle ngayon? Marami din bang tao ang manghihinayang kapag hindi nila ako nakita sa book signing? Makikita ko rin kaya iyong kislap sa mga mata nila habang kinu-kuwento kung paano nila ako hangaan gaya ng kung paano i-kuwento ng lalaking kaharap ko ngayon kung gaano siya ka-fan ni Guinelle at kung gaano raw kaganda ang akdang gawa ko.

Bahagya akong nakaramdam ng pait sa dibdib. Naiinggit ako kay Guinelle. Buti pa siya natatamasa lahat ng mga bagay na dapat ay natatamasa ko rin pero dahil sa takot ay hindi ko magawa. Darating pa kaya iyong panahon na makakaya ko ring gumawa ng akda na ako ang kikilalaning gumawa?

"Ikaw? Fan ka rin niya diba? Kailan ka pa naging fan ni Miss Guin?"

Napatingin ako sa kanya. Nakapatong ang magkasalikop niyang mga kamay sa mesa habang mariin siyang nakatingin sa akin.

Naglikot ang mga mata ko. Yumuko ako at inipit ang buhok sa likod ng tenga. Kailan ba ako puwedeng umalis dto? Saka hindi ba nahihiya itong kasama ko? Hindi ba niya alam na hindi ako komportable sa kanya?

"Uy," Aligaga akong tumingin sa kanya. Natawa naman siya nang makita ang reaction ko. "Tulala ka na diyan. Hindi mo na sinagot 'yong tanong ko."

Lumaki ang mata ko. "A-ano ba 'yon?"

He smirked. "Kung kailan ka ba kako naging fan ni Ms. Guin?"

Tumingin ako sa kabilang table na walang tao dahil iniiwasan ko ang mapatingin sa kanya. Nakakailang kasi talaga iyong tingin niya. Pakiramdam ko jina-judge niya ako habang tinititigan niya iyong mukha ko kanina. Conscious na tuloy ako kung may dumi ba ako sa mukha o kung natatawa ba siya kasi ang laki ng mata ko.

"D-dati pa."

I glanced at him. Kumunot iyong kilay niya at bahagyang umangat ang gilid ng labi dahil mukhang na-amazed siya sa sagot ko.

"Cute mo 'no?"

Uminit ang pisngi ko. KInurot ko ang hita sa ilalim ng mesa para pigilan ang pagtayo. Napaka-random naman ng lalaking 'to! Hindi ako nakapag-ready do'n, ha?

"Halatang nahihiya ka, e. Hulaan ko... kaunti lang friends mo 'no? Mukha ka namang inosente pero wala sa vibes mo iyong pagiging friendly. Siguro taong bahay ka lang. Tama ako 'no?"

Tumango ako nang hindi na inaangat iyong tingin sa kanya. Magaling siya mag-observe. Puwede ko siyang gawing reference sa next male character ko. I should take that in mind.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon