18

11 5 0
                                    

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko kay Kaizo habang kumakain kami sa Mang Inasal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko kay Kaizo habang kumakain kami sa Mang Inasal.

Pagtapos kasi noong eksena namin sa gate ay dinala niya ako rito. Medyo gumaan iyong loob ko dahil alam kong siya ang kasama ko. Tahimik lang niya akong tinitignan. Ni hindi man lang siya nagtanong kung anong nangyari pero masaya ako. At least hindi ako nap-pressure mag-kuwento.

He smiled at me. "Sinundan kita."

Siyempre nagulat ako. Paano niya ako masusundan e' hindi ko naman siya nakita sa jeep kanina? Chine-check ko kaya ang mukha ng mga tao sa jeep kapag nakasakay ako. Mahirap na. Baka mamaya may makasabay akong snatcher! Pero sure talaga ako kaninang wala siya. Saka wala naman siyang dalang sasakyan. Biglang pumasok sa isip ko si Aya. Sinabi kaya niya?

"Diba sabi ko magde-date tayo?" sabi niya na nag-lean pa nang bahagya palapit sa akin bago tipid na ngumisi.

Pinamulahan ako ng mukha at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa ganitong side ng ugali niya? Minsan kasi sa sobrang random ng mga sinasabi niya ay nagugulat na lang ako kapag bumabanat pa siya.

"H-hindi ko dala phone ko."

"Alam ko. Kaya nga sinundan kita nung nakita kita, e."

"Bakit pala nandoon ka sa gate? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko. Hindi naman sa gusto kong sundan niya ako hanggang sa bahay nila Guinelle pero nakaka-bothered lang kasi highway na iyong tapat ng subdivision nila.

"Hindi ako pinapasok, e." Nagkibit balikat siya at saka umayos na ng upo.

Kumunot ang noo ko. Hindi naman mahigpit iyong subdivision nila ah? May mga nakikita nga akong naglalako ro'n minsan, e.

"Ito na ba 'yong date natin?" Umiwas ako ng tingin nang bigla siyang ngumisi sa 'kin.

"Gusto ko sanang mag-date tayo sa mas magandang lugar pero mukhang pagod ka. Free ka naman bukas diba? May pupuntahan tayo," sabi niya bago nagtuloy sa pagkain.

Hindi na ako nagsalita at sumabay na rin sa pagkain. Saan kaya kami pupunta bukas? Hindi naman na siguro ako papupuntahin ni tita sa bahay nila 'no? I don't want to talk to them. Panigurado naman kasing kukulitin lang nila ako hanggang sa mangyari iyong gusto nila.

Pagtapos naming kumain ay hinatid na ako pauwi ni Kaizo. Sinubukan ko pa siyang bayaran dahil siya na ang nagbayad ng kinain namin tapos siya parin ang magbabayad ng pamasahe. May pera naman ako. Ayoko lang na masanay siyang laging gumagastos dahil sa akin. Wala pa siyang trabaho. Baka mamaya ay isipin nilang pine-perahan ko lang si KaIzo.

Gano'n naman kasi iyong iba diba? Kapag nakikita nilang masyadong spoiled iyong girlfriend sa lalaki ay madalas ng iisipin ng iba na kaya pinatulan ay dahil sa pera.

"So... bukas? Huwag mo na akong paghahabulin ha?" sabi niya na ikinatawa namng dalawa.

Nakangiti akong tumango. Kung puwede ko lang sigurong titigan ang nakangiti niyang mukha maghapon ay hindi ako magsasawa. Mas gusto ko pa nga atang gawin 'yon kaysa ang magsulat. I find peace just by looking at his handsome face.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon