14

21 7 2
                                    

"Ano iyong nababalitaan ko, ha?" tanong ni Aya sa striktong boses habang nakapamewang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano iyong nababalitaan ko, ha?" tanong ni Aya sa striktong boses habang nakapamewang. Nagluluto siya sa sink habang ka-text si Cristopher nang bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko.

I shrugged. "Malay ko sa 'yo. Ano bang meron?"

May malisya sa tingin niya habang may mapaglarong ngisi sa labi niya nang lumapit siya sa 'kin. Hinila niya ang upuan sa table niya at nilapag sa tabi ko. Nagulat ako nang bigla niyang yugyugin ang braso ko habang nagsisigaw.

"Ano ba!" Inalis ko ang kamay niya sa 'kin dahil sobrang sakit ng pagyugyog niya. "Inaano ba kita! Para 'tong baliw!" reklamo ko habang hinihimas ang braso.

"Sus! Ikaw ha. Crush ka pala ni Kaizo," pang-aasar niya.

Nanlaki ang mata ko. Akala ko ba napag-usapan na namin na secret lang muna? Tokis 'to ha!

Dinuro ako ni Aya bago siya tumayo. "Huwag mo ng ideny. Sinabi ni Tophe na kinuwento raw ni Kaizo sa kanila. Naku! Kaya pala gano'n ang eksena niyo lagi. May something na pala sa inyo!"

I rolled my eyes on her. Hindi ko na siya sinagot at binalik na lang ang tingin sa laptop. Ano na ba kasi ang sinusulat ko? Geez. Nasa isip ko na iyong eksena, e. Epal 'tong si Aya.

Nagulat ako nang hilain niya ang buhok ko. "Maharot ka ha!"

"Ano ba! Baliw 'to!" Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga at sinara na ang laptop dahil siguradong eepal nanaman 'tong si Aya at hindi ako titigilan.

Kinuha ko na lang ang cellphone at umupo sa may kama. Si Aya naman ay bumalik na sa pagluluto pero hindi pa rin tinitigilan ang pang-aasar sa 'kin. I was planning to browse on the Instagram kaso biglang nag-pop up ang messenger icon ni Kaizo.

Kai:
Hey! Gawa mo? Busy ka?

I bit my nails habang iniisip kung anong ire-reply ko sa kanya. Pinag-usapan namin noong isang araw lang na wala munang pagsasabihan tungkol sa 'min tapos nagkuwento na agad siya kila Tophe? Kahit kay Aya nga ay hindi ko pa muna kinuwento dahil nahihiya akong sumuway tapos siya? Ang daya!

Hindi ko na lang tuloy siya nireply-an dahil nainis ako sa kanya. Nag-browse ako sa may Instagram pero masyadong makulit si Kaizo at tinadtad ako ng chat kaya sineen ko na lang ulit siya.

Kai:
Nandito ako sa baba, seener.

Nanlaki ang mata ko. Nandito agad siya? Kaka-chat pa lang niya ah?

Napatingin ako kay Aya. Tumatawa siya habang may kung anong binabasa sa phone, probably flirting with Cristopher again. Tss. Gusto kong sabihing sa una lang ganyan kaso ayoko namang putulin kasiyahan niya.

Kami kaya ni Kaizo?

Wala pa naman kaming label. Umamin lang siya sa 'kin. Siyempre umamin din ako sa kanya. Hindi pa naman kami no'n diba? Ano bang tawag do'n. MU? Malanding Ugnayan? Geez. Ang cheesy masyado.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon