19

10 5 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari lahat ng 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari lahat ng 'to.

Nang mag-walk out si Guinelle sa press conference niya ay pasimple na rin kaming umalis ni Kaizo ro'n. I don't want to reveal the truth. Kahit pa nalaman na nila iyong tungkol sa ghost writer ay ayoko pa rin namang basta na lang lilitaw bigla ro'n at ike-claim na ako nga iyong tinutukoy ni Guinelle.

Pero nagulat ako nang may humarang sa amin paglabas ng pinto. Si Mr. Pacundo. We went to his office. Kumunot ang noo ko nang makita ang manager ni Guinelle roon.

They talked to me about the contract. I want to ask them kung paano nila nalaman pero masyado akong nabibigla sa nangyayari kaya wala akong ibang nagawa kundi ang matulala. Buti na lang at hindi ako iniwan ni Kaizo sa buong meeting na 'yon dahil wala talagang napasok sa isip ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko kay Kaizo paglabas namin ng office ng CEO.

Hinawakan niya ang balikat ko at marahang tinulak na para makaalis na kami ro'n.

"Secret."

"Sinabi ni Aya?"

"What? No!"

"Bakit deffensive ka? Siya nagsabi 'no?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya para makita ko ang reaction ng mukha niya.

He's laughing at me!

"Hindi nga si Aya. Anong akala mo sa kaibigan mo ilalaglag ka?" tanong niya na pinandilatan pa ako ng mata.

"Eh bakit alam mo?"

Tumawa nanaman siya. "Basta nga."

I frowned. Naglakad na ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngayon. Tuloy pa naman iyong date namin kahit na ganito iyong nangyari diba? Doon ko na lang din siya kukulitin kung sino ang nagsabi sa kanya.

Paliko na sana kami sa may hagdan nang biglang tumambad sa harap namin si tita na agad nanlaki ang mata nang makita.

Kinabahan agad ako. Mukhang nakarating na sa kanya iyong nangyari kaya pumunta siya rito. Paniguradong ako nanaman agad ang sisisihin niya dahil talagang nandito pa ako sa event.

"What did you do to my daughter?" si tita na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

Hinawakan ako ni Kaizo sa balikat at pilit na itinatago sa likod niya. "Sa tingin ko ho ay hindi si Colette ang dapat niyong kausapin tungkol diyan."

"Ano masaya ka naba dahil na sa 'yo na ang spotlight? Did you purposely do it para lang makaganti sa ginawa namin sa 'yo kahapon? Ha?"

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko matagalan ang mga mata ni tita. Buti na lang at nandito si Kaizo dahil kung wala siya, baka ano na ang magawa ni tita sa akin ngayon.

"Wala kang kuwentang pinsan! Talagang kinailangan mo pang gawin iyon para gumanti sa kanya? Pagkatapos ng mga nagawa namin para sa 'yo? Gano'n ang gagawin mo? Sinaktan mo ang anak ko!" galit na sabi ni tita at akmang susugurin na sana ako nang biglang may kamay na pumigil sa kanya.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon