Dahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan.
Dahil din dito, makikilala niya si Ka...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I think I'm inlove.
After that night. Sa tuwing titingin sa 'kin si Kaizo ay para akong mapapaso. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko sa tuwing ngingiti siya at may kung anong kiliti sa pakiramdam ko sa tuwing nag-uusap kaming dalawa.
Iniiwasan ko lang na mahalata ni Aya. Ayokong aminin sa kahit na sino na gusto ko siya dahil natatakot ako na baka makarating iyon kay Kaizo at baka mag-iba ang trato niya sa 'kin. Ayos naman na sa 'kin iyong patago lang na magkagusto sa kanya. I'm not asking for more though.
"Girl, tulala ka nanaman diyan. Iniisip mo ba 'yon book signing ng pinsan mong epal?"
Lumingon ako sa kanya. "Hindi naman. Nag-iisip lang ako ng plot," Pagdadahilan ko kahit na ang totoo ay iyong book signing talaga ang inaalala ko.
Inaaya kasi ako ni Kaizo na pumunta ro'n. Hindi naman ako makaisip ng alibi kasi paniguradong makikita niya ko ro'n dahil isa ako sa mag-aassist kay Guinelle sa araw na 'yon. Paniguradong uulanin nanaman ako ng tanong ni Kaizo. Pakiramdam ko tuloy paliit na ng paliit ang mundong ginagalawan ko. Paano kung mahuli ako ni Kaizo? Paano kapag nalaman niya iyong totoo?
Naalala ko nanaman iyong nakita ni Kaizo iyong notebook. Muntik na akong mahuli. Buti na lang talaga at hindi niya na naalalang itanong ulit 'yon.
Purple tshirt ang uniform na susuotin naming mga assistant ni Guinelle ngayon na may design na icon ng watty account niya. Noong isang linggo pa 'to nagawa at nung isang araw ko lang nakuha. Nilabhan ko na 'to kahapon at pinabanguhan pa dahil alam kong hindi matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap ni Kaizo.
"Alis kana? Kumain ka naba? Huwag ka masyadong nagpapa api diyan sa pinsan mong epal, ha? Kung wala lang talaga akong activity ngayon sasamahan kita kaso tambak mga gagawin ko, e. Bawi ako next time ha?" Aya said.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako. Baka gabihin ako ng uwi, ha? Baka makalimutan mong kumain."
"Halika rito." Hinila niya ang braso ko at kumuha ng liptint sa drawer niya, "Masyadong dull ang peslak mo," sabi niya at nilagyan ng liptint ang labi ko.
Nag-usap pa kami saglit ni Aya bago niya ako pinaalis. Tanghali na ng dumating ako sa event. Kumakain sila ng lunch pagkarating ko at naghahanda naman iyong ibang staff para sa event mamayang alas-dos. Hinanap ng mata ko si Guinelle pero hindi ko siya nakita.
"Late kana. Halika na rito Colette. Kumain ka naba? May extra pang isa rito. Kain tayo." sabi ni ate Shirley, ang tumatayong head assistant ni Guinelle. Parang manager sa mga artista gano'n.
Dahil hindi pa naman ako kumakain at gutom na ako ay nakisabay na rin ako sa kanila. Nagk-kuwentuhan sila tungkol sa pagiging successful ni Guinelle sa pagsusulat without knowing that I was behind that.
What if ako iyong nasa posisyon ngayon ni Guinelle. Pag-uusapan din kaya ako ng ganito ng mga tao? Matutuwa kaya sila sa success na tinatamasa ko kung kasali? Sana oo. Kasi kahit hindi ako iyong kinikilala ng mga taong sumulat ng akdang kinababaliwan nila ngayon. Sa kanila ako kumukuha ng inspirasyon para magsipag sa pagsusulat.