2

19 10 18
                                    

"Bakit hindi ka magsulat sa cellphone mo? Hindi ka ba nahihirapan na sinusulat mo lagi sa notebook?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit hindi ka magsulat sa cellphone mo? Hindi ka ba nahihirapan na sinusulat mo lagi sa notebook?"

Magpapahinga lang sana ako dahil sumasakit na ang utak ko sa paulit ulit na terms na binabasa nang mapatingin ako kay Aya na busy sa pagsusulat para sa story niya. Sana all may time para makapagsulat, no? Tapos na raw kasi siya mag-review kaninang madaling araw. Bilib din talaga ako sa time management ng baaeng 'to. Kahit tamad siya alam pa rin niyang ibalanse iyong oras niya.

Ako kasi hindi. Kapag nag-focus na ako sa isang bagay. Doon lang ako nakatutok.

Nagpaalam muna ako saglit kay Aya na lalabas para bumili ng kape. Wala na kasi kaming stock! Halos paubos na rin ang mga de lata at ibang mga kailangan namin sa dorm. Wala rin kasi kaming masyadong time these past few days sa pamimili dahil next week na ang midterm at kailangan na naming isubsob ang mga sarili namin sa pagre-review.

Buti na nga rin at pumayag si Guinelle na hindi muna ako maka-update ng tatlong beses sa isang linggo. Iyon nga lang, kailangan ko pa rin makapag-update this week ng dalawa. Hindi man lang ginawang isa na lang? Parang wala rin namang nagbago.

Minsan talaga gusto ko na lang sumuko, e. Napapatanong ako kung bakit ko ba tinanggap iyang pagiging writer niya. Ang hirap pala pagsabayin ng passion at pag-aaral.

Nakakadugo ng utak.

Feeling ko nga paliit na ng paliit iyong utak ko habang patanda ako.

Grabe!

"Colette, naka-review ka nang maayos sa understanding? Ang daming philosopers. Hindi ko matandaan iyong iba. Wala ka bang notes diyan? Pabasa nga habang wala pa si ma'am," sabi ni James, ka-seat mate ko.

Tinignan ko lang siya bago ko kinuha ang reviewer sa bag at inabot iyon sa kanya. Hindi naman kami close dalawa. Kapag ganitong may kailangan lang siya saka niya ako naaalala.

Isa ako sa mga invisible sa klase namin. Iyong mga laging nasa sulok lang at parang hangin. Iyong mga madalas nakakalimutang nag-eexist sa klase kasi lagi lang namang tahimik.

Wala rin naman kasing masyadong lumalapit sa akin. Saka lang ako natatandaan ng klase kapag may kailangan sila sa 'kin.

"Thank you, ha?"

Tumango lang ako kay James nang binalik na niya iyong reviewer ko. Pagdating ng prof namin ay nag-start na rin agad iyong test. Sobrang tahimik sa loob ng classroom na aakalain ng taong dadaan sa labas ay walang tao sa loob. Tunog lang ata ng orasan at electric fan iyong nag-iingay.

Pagtapos ng test ay dumiretso agad ako sa dorm para magpalit. Kailangan ko na kasi ulit magsulat. Naaawa na ako sa utak ko dahil feeling ko mas pagod na siya kaysa sa katawan ko. Kaso kailangan, e. May nasimulan naman na ako. Kalahati na lang ata ang idadagdag ko at konting revise bago ko ipasa.

I decided to roam outside para naman makalanghap na rin ng sariwang hangin. Naghanap ako ng tahimik na lugar at nakarating sa may play ground. Sa swing ako umupo dahil medyo malilim do'n at saka pinatong ang notebook sa lap ko.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon