6

19 8 2
                                    

"Ano bang gusto mo d'yan, bff?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano bang gusto mo d'yan, bff?"

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Tiyak na kung naririnig siya ngayon ni Aya ay makakakuha nanaman siya ng panibagong kurot sa braso niya. Mula kasi nang gabing nag-usap kami sa pool nang masinsinan ay ayan na ang tinatawag niya sa 'kin.

Nagtatampo na tuloy minsan si Aya dahil masyado na raw dumidikit si Kaizo at hindi niya na raw nagugustuhan iyon.

"Ship ko lang naman kayo pero bakit inaagaw na niya ang title ko sa 'yo? Gusto ba niya ng friendship over ha?" reklamo ni Aya nang minsan na akong tawagin ni Kaizo ng bff.

Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa.

Alam ko naman kasing binibiro lang nila ako dahil sa nangyari. Aya knows. Kahit hindi ko sabihin ay alam niyang tungkol kay daddy ang naging dahilan kung bakit ako naging tahimik nang araw na 'yon.

I felt guilty tuloy dahil akala ni Julius ay hindi ko na-enjoy ang birthday niya.

"Pumili kana habang malayo pa tayo sa pila. Saka bakit ba tayong dalawa kasi ang nakapila rito? Sabihin mo na lang sa 'kin kung anong gusto mong kainin diyan. Sagot ko na 'to!"

Nasa Chowqueen kami ngayon. Parehas kasi kaming mamayang hapon pa ang next class kaya niyaya niya akong kumain dito. Nagulat lang ako nang nasa tapat na siya ng room namin at ipinagtatanong ako sa mga kaklase ko. Nakakahiya tuloy! Akala nila ay nobyo ko si Kaizo.

Dapat kasi ay itinext na lang ako ng lalaking 'to! Aasarin nanaman tuloy ako mamaya pagbalik do'n.

Pagtapos kong sabihin sa kanya ang gusto kong kainin ay naghanap na ako ng puwede naming upuan. Hindi rin naman ako naghintay nang matagal dahil dumating din agad siya dala-dala ang tray.

Gulat akong tumingin sa nilapag niyang tray. Ang dami naman! Limang tao ba ang kakain dito?

Natawa siya sa reaction ko. "Kaya mo namang ubusin 'yan, diba?"

"H-ha?" Ang dami.

"Huwag mo isiping madami. Mauubos natin 'yan."

Natakot ako. Paano kung matae ako bigla sa gitna ng klase? Geez. Ayoko talagang kumain ng sobra kapag wala sa dorm o bahay kasi kabado ako lagi na baka matae ako sa klase.

Isa kasi ako sa mga natatawa kapag may natatae sa school. Natatakot lang akong baka karmahin ako one day kaya mabuti nang nag-iingat.

Pinatake out na lang namin iyong mga hindi naubos saka nag-order ulit ng panibagong food para naman daw sa mga tatlong itlog. Busy pala sila sa kaka-ml kaya hindi sila sumama. Pinasabay ko na rin ang pagkain para kay Aya dahil paborito niya ang pagkain dito.

Malapit lang ang Chowqueen sa campus kaya nilakad na lang namin pabalik. Si Kaizo ang nagbitbit ng mga pagkain, pati na ang kay Aya dahil ayaw naman niyang ibigay sa 'kin.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon