"Gusto mo bang samahan kita? Moral support lang! Baka mamaya anong gawin sa 'yo ng pinsan mo, e. Huwag ka na lang kaya pumunta? Ako talaga naiinis na diyan sa pinsan mo, e. Konting konti na lang bebengga na sa 'kin 'yan."
Natawa ako sa huling sinabi ni Aya. Simula ata nang matapos ang call ay hindi na rin tumigil ang bibig niya sa kaka-rant tungkol sa pinsan ko. I'm still bothered about the post pero good thing naman dahil wala ako ro'n sa group kaya kahit sobrang inuuhaw ako sa curious ay hindi ko matitignan ang post. Hindi rin naman papayag si Aya na tignan ko iyon ulit knowing my reaction a while ago.
"Hindi na. Kaya ko naman," sagot ko habang inaayos ang sintas ng chuck taylor ko.
"Dapat pala binili ko na lang iyong tazer na nakita namin ni Tophe sa may mall noong isang araw para sana may magamit ka sa pinsan mo ngayon," sabi niya, salubong na salubong ang kilay habang nakapamewang akong pinanunuod.
Natawa ako. Grabe naman kung maka-tazer 'tong si Aya. Hindi naman ako sasaktan ni Guinelle. Kahit gano'n kasama ang ugali no'n sa akin ay hindi pa naman ako sinasaktan physically no'n.
Isa pa, kailangan ko rin makita ngayon si Guinelle. That post made me cry pero it also helps me because after reading that post, maraming bagay na pumasok sa isip ko and made me realize that I should fight back. Dahil may mga taong kahit hindi ako kilala, ipinagtanggol ako.
Kahit hindi man nila nabasa iyong gawa ko o hindi man nila ako personally kilala nagawa pa rin nila akong ipagtanggol sa mga tao.
That gave me strength.
"Sigurado ka ba talagang ayaw mong sumama ako?" huling pangungulit ni Aya habang sinusundan ako sa kung saan ako maglakad.
Nilagay ko sa tote bag ang tumbler na hinanda ni Aya habang naliligo ako tapos ay dumiretso ako sa mesa para kunin ang laptop at cellphone ko. I also check if wala na ba akong nakalimutan dalhin bago ko hinarap si Aya.
She frowned. "Sama mo na ako, please?"
Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at malawak na ngumiti sa kanya. I need to assure her that everything's fine dahil paniguradong hindi matatahimik ang kaluluwa niya kakakulit sa 'kin para lang isama ko siya..
"Ayos lang ako. Diba nga ikaw na mismo nagsabi sa 'kin na matuto na akong lumaban? Kaya ko 'to!" I raised my eyebrows and smiled at her again, "Trust me, okay?"
She bit her lower lip. Mukhang gusto pang umangal pero nang titigan ang mata ko ay saka lang siya bumuntong hininga at ngumuso.
"Worried lang naman ako sa 'yo pero may tiwala ako. Basta kapag may nangyari, i-text mo ako ha? Free schedule ko ngayon kaya mapupuntahan agad kita kapag kailangan mo 'ko."
Ang dami pang sinabi ni Aya bago niya ako hayaang umalis ng dorm kaya naman halos lakad takbo na ang ginawa ko papunta sa may sakayan ng jeep. Buti na lang din talaga at weekends ngayon kaya hindi mahirap sumakay. Nagbayad agad ako sa driver pagkaupo at tumingin lang sa labas ng bintana hanggang sa marating ko ang subdivision nila Guinelle.
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
Literatura KobiecaDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...