Dahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan.
Dahil din dito, makikilala niya si Ka...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"So, you mean to say is... si Kaizo and the guy you met doon sa book signing ay iisa lang?!" Ginulo ni Aya ang buhok niya. Kinuwento ko kasi sa kaniya kung saan ko nakilala si Kaizo kaya ayan, gulat na gulat ang gaga. "Mygad, Pichi! Bakit hindi mo man lang ako in-inform?!"
Nagkibit balikat ako. "Malay ko bang aarte ka ng gano'n sa harap niya? Saka ano naman ngayon kung siya iyong lalaking binigyan ko ng libro?"
"Duh! Siyempre ship ko kayo tapos lalandiin ko pala? Hindi makatarungan 'yon!"
Pinandilatan ko siya ng mata. "Anong ship? Mga kalokohan mo!"
Umikot ang mata niya sa 'kin. Nakaupo kaming dalawa sa study table dahil busy ako sa pagre-revise habang dinadaldal naman ako ni Aya na kakatapos lang mag-publish ng story niya. Tinignan ko siya. Nakalagay ang isang kamay niya sa lamesa habang nakapatong ang ulo niya ro'n at nakatingin sa akin.
"Bagay kaya kayo!" Bumangon siya mula sa pagkakahiga ng ulo, "Kaya pala hindi niya masakyan sakyan panghaharot ko sa kanya kasi may iba na pala siyang trip! Alam mo ba iyong mga tinginan niya sa 'yo?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ewan ko sa 'yo."
Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga bago isara ang laptop. Niligpit ko na rin iyong mga gamit at pinunasan ang mesa bago ko kunin ang tuwalya at dumiretso na sa CR para maligo.
Simpleng white shirt na tinuck-in ko sa high waist jeans ang sinuot ko na pinarisan ko ng sneakers. Sinuklay ko muna ang hanggang bewang kong buhok bago ko kunin ang mga gamit na dadalhin at nilagay iyon sa body bag ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Aya na nakaupo sa kama niya habang hawak ang cellphone.
Kinuha ko sa table niya ang liptint at humarap sa vanity mirror niya para maglagay ng kaunti sa labi.
"I need to find an inspiration," sabi ko bago ibalik ang liptint sa lagayan niya.
I looked at her. May nakakalokong ngiti sa labi niya habang tinitignan ako. Mukhang may iniisip nanamang kalokohan ang isang 'to.
"Inspiration? You mean... Kaizo?" Natawa siya.
Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Talagang ipipilit niya na may something sa amin ni Kaizo. She's always like that kapag wala si Kaizo sa harap namin.
We made friends with him. Lagi na kasi siyang nakikisabay sa 'min kumain kaya naging close na rin kami sa kanya. Mabait naman siya. Iyon nga lang, saksakan talaga ng daldal ang bibig niya.
It's my dad's death anniversary today kaya naman naisipan kong dumalaw. Dumaan muna ako sa flower shop at bumili rin ng kandila bago dumiretso sa sementeryo.
"Hi, dad. Your daughter's here. Kumusta ka naman diyan? Pinapanuod mo ba ako lagi rito? Dinadalaw ka paba ni mama? Dalawin mo siya sa panaginip niya kapag hindi ka niya dinalaw ngayon, ha?" Bumuga ako ng hangin at tumingala sa langit. Ini-imagine na nandoon si daddy ngayon at nakatingin siya sa 'kin.