"Pichi. Paubos na mga pagkain natin. Bibili pa ba tayo ng marami? December na rin, e. Dito ka ba magpapasko?" tanong ni Aya na naghahalungkat ng mauulam sa cup board.
Tinigil ko ang pagta-type sa laptop at nilingon siya. "Ako na lang mag-grocery mamaya."
Tamad siyang tumango sa 'kin. Sinara niya na iyong cup board tapos nakanguso siyang umupo sa table niya. Pinatong niya ang dalawang kamay ro'n at humalumbaba.
"Pero anong kakainin natin ngayon? Corned beef na lang natitira ro'n, e. Wala na ring laman iyong ref! Gosh! Ang poor na ng dorm natin. Bakit kasi wala tayong kapit-bahay na namimigay ng ulam?!" reklamo niya.
Madalas na kasi kaming lumabas magkakaibigan kaya hindi na namin naaasikaso masyado ang mga kailangan namin sa dorm. Minsan na nga lang kami kumain dito, e. Ngayon lang ata kami nakawala sa apat na itlog na 'yon dahil may mga kanya-kanya silang gawa ngayon.
"Order na lang tayo."
Nanlaki ang mata ni Aya dahil sa tuwa. "Ay! Sige. Gusto ko 'yan. Ako na mag-oorder. Wait kunin ko lang phone ko," Kinuha niya ang phone sa kama niya bago bumalik sa pagkakaupo. "Anong gusto mo?"
"Inasal naman tayo."
Nagulat siya sa sinabi ko. "Ay. Sawa na sa Chowqueen?"
Inasal naman kasi talaga ang gusto ko. Nag-aadjust lang ako para hindi na kami mapagod ni Aya sa tuwing nagyayaya siyang kumain sa labas.
Pagkarating ng pagkain namin ay sakto ring natapos ko na ang pagsusulat. Sinara ko muna ang laptop. Mamaya ko na lang ulit ire-review. Nagugutom na talaga ako!
Ako ang nagtapon ng pinagkainan namin sa labas. Naaawa na kasi ako kay Aya dahil stress na stress na siya sa ginagawa niyang business plan na kailangan na nilang ipasa bukas. Nung isang araw pa niya nirereklamo 'yon pero kanina lang naman niya sinimulan. Geez.
Pagbalik sa dorm ay naligo na ako. Wala naman na akong gagawin kaya maggo-grocery na lang ako. White oversize shirt at khaki shorts lang ang sinuot ko. Tulog na si Aya nang tingnan ko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Buti na lang at nailista na niya ang mga gusto niyang ipabili kaya kinuha ko na lang iyon sa table niya.
10 minutes pa ata akong nakatayo lang sa labas hanggang sa makapara ng tricycle papunta sa Lipo Mart.
Inuna ko munang hinanap iyong nasa listahan ni Aya para hindi na ako malito mamaya sa mga idadagdag pa. Halos puro snacks ang mga 'yon. Mahilig kasi siya kumain lalo na tuwing gabi habang nanunuod kami sa laptop ng movie.
Nutella na lang ang natitira sa listahan niya. Nakakailang ikot na ako pero wala akong makita. Saan ba nakalagay 'yon?
May nakita akong mga palaman sa isang corner kaya pinasok ko iyon. Puro peanut butter at cheese lang. Paalis na sana ako nang hindi sinasadyang madaanan ng mata ko ang nag-iisang stock ng nutella na nagtatago sa likod ng garapon ng jelly jam.
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
ChickLitDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...