11

17 6 1
                                    

"Talagang tinapos mo siya ng isang gabi lang? In fairness ang ganda naman kaso ang bitin," komento ni Aya habang binabasa ang natapos kong kuwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Talagang tinapos mo siya ng isang gabi lang? In fairness ang ganda naman kaso ang bitin," komento ni Aya habang binabasa ang natapos kong kuwento. Na-ipost ko na iyon sa bago kong account at si Aya pa lang ang unang nakakabasa.

Wala rin naman akong planong i-promote ang story at account ko dahil baka makita iyon ni Guinelle at malamang sa 'kin 'yon.

I yawned. Nag-unat muna ako bago kinuha ang laptop at chinarge. Inaantok na ako! Sa sobrang sipag kong magsulat kanina ay hindi ko man lang naramdaman ang antok at gutom.

"Matutulog muna ako," paalam ko kay Aya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Aya nang umalis siya kasi antok na antok na talaga ako.

Uuwi kasi siya sa kanila dahil doon siya magce-celebrate ng pasko hanggang bagong taon. Doon sana ako sa Cavite magpapasko pero dahil umuwi na ako rito ay hindi na tuloy. Gusto sana ni Aya na samahan ako pero pinilit ko na siyang umalis. Minsan lang niya makikita ang family niya at special occasion din 'to saka sanay naman na akong mag-celebrate mag-isa.

Tinatanong niya nga kung bakit hindi ako umuwi kila Guinelle para kasama ko si mama mag-celebrate ng pasko pero umiling lang ako. Mas gusto ko na lang mag-celebrate mag-isa kaysa sa ma-stress ako ro'n kasama si Guinelle.

Hindi rin naman nagtatampo si mama kahit na wala ako sa mga special occasions dahil hindi naman kami pala-celebrate.

Medyo nabawi ko rin iyong sigla ko nang magising ng hapon kaya nagpasya na lang akong lumabas at mamili ng ihahanda. Pansit at graham lang ang balak kong ihanda ngayon dahil iyon lang naman ang paborito ko.

Nagsuot ako sweater dahil malamig na sa labas. Talagang feel na feel na rin iyong presence ng pasko sa dami ng christmas songs at parol na nakikita ko sa bawat madaanang lugar.

Sa Lipo Mart ako bumaba. Mas mura sana kung sa palengke pero feeling ko maraming tao at siksikan do'n ngayon kaya dito na lang ako. At least kahit maraming tao at mahaba pila sa counter de-aircon naman.

Habang naghihintay sa pila ay kinuha ko muna ang phone ko at nagbasa basa muna sa facebook nang biglang mag-pop up ang gc namin at nakita ko ang pangalan ni Julius.

Wala namang kung ano, nagbatian lang at naghingian ng pamasko.

Pagbalik sa campus ay binati ako ng guard na busy sa pagsusulat sa log book at napatingin lang sa 'kin.

"Dito ka magpapasko, ma'am?"

Tipid akong ngumiti at tumango bago bumalik sa dorm para ihanda iyong mga pagkain.

Buong linggo lang akong nagkulong sa dorm. Minsan ay nagsusulat ako sa account ko, minsan naman ay nanunuod sa laptop. Limang movie na ata ang natapos ko sa Netflix. Lumalabas lang ako kapag buryong buryo na ako sa dorm at namamasyal sa mga park. Sinubukan ko ring manuod ng movie sa sinehan at maglaro ng arcade. Medyo awkward pero ang saya naman.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon