"Nasaan si Kaizo?" tanong ni Aya pagbalik ko sa gazeebo. Nakatingin din sa 'kin iyong tatlong itlog at hinihintay iyong sagot ko.
Pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalatang nagbago iyong mood ko.
I shrugged. "Hindi ko nakita ro'n," sagot ko.
Ito nanaman iyong feeling na parang bigla kang tinamad sa lahat ng bagay. Ayokong aminin sa sarili ko na may malaking impact na si Kaizo sa buhay ko pero ayaw magpakabog ng puso ko.
Masyadong pinararamdam sa 'kin na may gusto na nga ako sa tao.
Grabe! Ngayon na nga lag ulit ako nagka-crush tapos do'n pa sa taong ang gusto e iyong pinsan ko pa.
Tulala tuloy ako sa loob ng sinehan. Masyadong lumilipad ang isip ko sa kakaisip ng scenario tungkol kay Kaizo. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Nanliligaw na ba siya kay Guinelle? Hindi na kasi siya nagke-kuwento.
Hindi rin naman din siya makapagkuwento dahil hindi kami nagkikita nitong mga nakaraang araw.
"Akala ko pa naman ikaw pinakamatapang sa 'tin dito tapos bigla ka lang titili pre. Gagi nakakahiya ka talaga kanina," sabi ni Julius habang kumakain kami ng dinner sa Mang Inasal.
Nagtawanan sila kaya nakisabay na lang ako dahil baka mapuna ako ni Aya. Si Frank naman ay napayuko na lang dahil sa kahihiyan. Bigla kasi siyang sumigaw kanina noong sumilip iyong dugung mukha ng babae sa may ilalim ng kama. Imbis na maakot tuloy kami ay napuno ng maliliit na hagikhik ang row namin dahil sa kanya.
"Sayang bawal kasi mag-video sa loob. Viral ka na sana ngayon sa campus, pre." si Cristopher kaya binato siya ni Frank ng gamit ng kalamansi.
"Buti na lang hindi kita katabi kundi nasapok kita. Hindi ako nagulat sa palabas, e. Sa 'yo ako nagulat buwisit ka!" reklamo ni Aya.
"Sino ba kasi nagbigay sa 'yo ng karapatan magulat?" balik asar ni Frank kaya bumusangot si Ara.
"Hoy gagi. Bigyan niyo naman ng chance magsalita si Colette. Wala ka bang banat diyan?" sabi ni Julius kaya nalipat sa 'kin ang tingin ng lahat.
I froze. Blangko ang utak ko ngayon at mas gusto ko lang na nakikinig sa kanila kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Luckily, I was saved by ring of Julius' phone. Doon nalipat ang tingin ng tatlong lalaki habang si Aya naman ay nakatitig lang sa 'kin. I just smiled at her bago binalik ang tingin sa plato.
"Kaya pala hindi nakapunta si Kaizo. May ka-date pala." Tumawa si Julius.
Humigpit ang hawak ko sa tinidor. Ramdam kong tumingin sa 'kin si Aya pero hindi ko na siya nilingon at tinuloy na lang ang pagkain na parang walang narinig.
Pag-uwi sa dorm ay nagbihis na ako agad at binuksan ang laptop para subukang mag-update pero walang pumapasok sa isip ko na scenario kundi ang imaginary scenario na naisip ko kanina about Kaizo and Guinelle. Nakaka-frustate lang kung pipilitin ko magsulat dahil papangit ang magiging kalalabasan no'n kaya sinara ko na lang ang laptop at humiga sa kama.
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
ChickLitDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...