9

9 5 2
                                        

"What?" gulat na tanong ni Guinelle nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa favor ni Kaizo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What?" gulat na tanong ni Guinelle nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa favor ni Kaizo.

Talagang sinadya ko pang pumunta sa bahay nila para lang sabihin sa kanya 'to. Buti na lang at namamalengke ngayon si mama kaya hindi ko siya naabutan. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kapag nagtanong siya. Tho may alibi naman ako. Kilala pa rin ako ni mama.

Alam niyang hindi ako magaling magsinungaling.

Pagak na tumawa si Guinelle at pinaikot pa ang sarili sa gaming chair niya. She's actually playing nang katukin ko siya rito sa kuwarto niya.

"The person you like is asking you to set a date with me?" She laughed, "And you're really doing it. Martyr ka ba?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko siya gusto."

"Really? Iba iyong nafe-feel ko, e. Pero sige, kung hindi mo naman pala siya gusto edi ayos lang din ba sa 'yo kung maging kami?"

Sandaling nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Maging sila agad? Date lang naman 'yon! Kakain lang sila! Ang ambisyosa naman nito.

Pero paano kung magutuhan din siya ni Guinelle at magtulo-tuloy ang date nila?

"See? You really like him." Kinabahan ako nang lumapit siya sa 'kin at hinawi ang buhok ko. "Bakit kailangan mo pang itago? Come on! Parang hindi tayo magpinsan ha?"

Gusto ko sana siyang sagutin. She never treated me like a cousin. Habang nakatira ako rito sa bahay nila ay ni minsan hindi man lang siya nakipaglaro sa 'kin. Ni ayaw nga niyang pinahahawak sa akin ang mga laruan niya. Tatawagin lang niya ako para utusan, para magpulot ng mga maruruming gamit niya at para sumalo ng mga kasalanan niya kaya imbes na siya ang napapagalitan ay ako ang sinasabihan ng mga magulang niya.

"Papayag lang akong makipag-date sa kanya but in one condition..." Ngumiti siya. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang kondisyong sasabihin niya sa paraan ng pagkakangiti niya.

Pinanuod ko siyang lumapit sa may drawer niya. May kinuha siyang puting papel at inabot niya 'yon sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ang logo ng kumpanya ni daddy. Parang alam ko na kung anong kondisyon ang ibibigay niya.

"I want you to sign this. Kapag pinirmahan mo 'yan, ide-date ko ang crush mo."

My forehead creased. "Y-you know I can't do this," sabi ko at mabilis na inabot sa kanya ang papel.

Iyon na lang ang natitirang pamana sa 'kin ng daddy ko. Ang kumpanya. Oras na pirmahan ko ang papel na binigay ni Guinelle ay malilipat sa kanya ang pagmamay-ari ng kumpanya at iyon ang hinding hindi ko papayagan.

Ilang taon na rin akong kinukulit ni tita Carson, ang mommy ni Guinelle, na pirmahan iyon pero firm ang desisyon kong hindi ibigay sa kanila iyon. I'd rather have someone to handle it than giving it to Guinelle.

Mas gusto ko pang ipagkatiwala kay Aya ang kumpanya. At least alam kong ligtas ang kumpanya sa kaibigan ko kaysa kay Guinelle. That was actually my plan. Habang pinu-pursue ko ang pagche-chef ay si Aya ang maghahandle ng company. Magiging magkasosyo kami. It's a friendship goals na sabay kaming yayaman.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon