Dahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan.
Dahil din dito, makikilala niya si Ka...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Umagang umaga pa lang ay hindi na agad maganda ang araw ko. Papunta ako sa bahay nila Guinelle ngayon dahil nakatanggap ako kaninang umaga ng text galing kay tita. Pagkatapos kasi naming lumabas kahapon ni Kaizo ay nag-decide akong buksan na ang phone ko.
Plano ko pa man din sanang aminin na kay Kaizo ngayon ang totoo!
Pagpasok sa gate nila Guinelle ay nakita ko na agad si Aling Esme na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng puno ng mangga. Gulat na napatayo si Aling Esme nang makita ako saka mabilis na lumapit sa akin, hawak ang walis tingting sa kamay.
"Iha. Napadalaw ka rito? Baka mamaya ay anuhin ka nanaman ng pinsan mo. Si mama mo ba ang pinunta mo rito? Gusto mong tawagin ko?" concerned na sabi ni Aling Esme na akma pa sanang aalis pero pinigilan ko lang.
"Hindi naman po si mama pinunta ko," sagot ko. "Nandiyan ho ba si tita sa loob?"
Natigilan siya at lalong nanlaki ang mata sa sinabi ko. "Si ma'am? Nasa sala, bakit?"
"Wala po. Sige po una na ako."
Iniwan ko na si Aling Esme at dumiretso na ako papasok sa loob. Bago maglakad papuntang sala ay humugot muna ako ng malalim na hininga. Alam ko naman kung bakit ako nandito. Paniguradong nagsumbong nanaman si Guinelle tungkol sa nangyari.
Nagkakaroon na kasi ng away sa group page ni Guinelle tungkol doon sa post na kumalat. Kaya nga hindi ko na dinala ang phone ko dahil paniguradong pipilitin nanaman nila akong idelete iyong account. I already unpublished my works there and decided to stop writing for now because I thought it will stop the issue pero mas lalo pa ring lumala.
Pagdating sa sala ay nakita ko agad si tita. Nagulat ako nang makitang nandoon din si mama at kasalukuyan silang may pinag-uusapan. Si Guinelle ang unang nakakita sa 'kin na nakaupo sa may sofa at may hawak na cellphone.
She smirked at me. "Mom, she's here."
Tumaas agad ang kilay ni tita nang lingunin ako kaya bahagya akong napayuko.
"Ano 'tong nababalitaan kong gumagawa ka raw ng gulo?" Lumapit sa akin si tita, "I know you're a great writer pero tama bang gumawa ka rin ng sarili mong account at kalabanin ang pinsan mo? Naiintindihan ko namang gusto mong magsulat pero hindi pa ba sapat na ipinagsusulat mo na ang pinsan mo at kailangan mo pang gumawa ng sarili mo?"
Hindi ako sumagot. Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang nakakasuyang ngiti ni Guinelle sa 'kin. Iniba ko ang tingin ko para hindi na makita ang mukha niya.
"Where's your phone?"
Marahang umangat ang kilay ko sa gulat. I know what she wants to do. Buti na lang talaga at hindi ko dinala ang phone ko ngayon kaya may dahilan ako.
I averted my gaze. "Hindi ko po dala, tita."
Mga limang segundo sigurong natigilan si tita bago dahan dahang dumilim ang tingin niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. She can't hurt me, right? Hindi naman niya ako sasaktan gaya ng ginawa ni Guinelle dahil lang sa hindi ko sinunod ang gusto niya?